"Please! Dont hurt my daughter!" sumamo ni Cara habang yakap-yakap ang anak niya.
Nakayakap rin sa likod niya ang asawang si Renato na parehong nagmamakaawa sa buhay nila.
Nakaupo ang mag-anak sa gitna ng basang kalsada, nakatingala sila sa mga taong nasa harapan nila. Sa likod ng mga ito nakatayo ang mga tauhan nila na may bitbit na malalaking armas at lahat niyon ay nakatutok sa mag-anak.
"Hindi naman aabot sa puntong ito, kung ibinigay niyo lang ang kailangan ko!" galit na sabi ng babaeng nasa harap nila. Hindi kita ang kabuoan ng mukha nito sapagkat natatakpan iyon ng anino.
"Hindi ko hahayaan na makuha niyo ang pinaghirapan ng pamilya ko!" matapang na wika ni Renato at nakipagtitig sa babae.
"R-Renato.. Ibigay na natin ang gusto n-nila.. Alang-alang sa anak natin."
Mariing umiling si Renato at tutol sa iniisip ng asawa. "Mahalaga ang kompanya sa pamilya, Cara."
"Mas m-mahalaga ang b-buhay ni Isabela.." iyak ni Cara at ilang ulit na hinalikan ang noo ng bata. Isang malaking desisyon ang pag-iisipan ni Renato sa pagkakataong iyon. Kailangan niyang mag-isip ng paraan upang makaligtas sila ng pamilya niya.
"Ano na Renato?!" sabi ng lalaki na katabi ng babae. Pareho silang nakasuot ng itim na kasuotan at pinapayungan ng mga armadong lalaki. Wala rin tigil ang pagbagsak ng ulan at halos basang-basa na ang mag-anak.
Tumitig ng mariin si Renato sa lalaking iyon at nagpipigil ng sarili na sugurin ito."Traydor..." usal niya.
Inilahad ng misteryosang babae ang kamay ito sa kasamang lalaki at agad na ibigay sa kamay nito ang baril. Naglakad ito palapit sa mag-anak at kinasa ang hawak na baril.
"Pirmahan mo na ang form na yan, Renato." utos ng babae. Maya-maya pa ay lumapit ang isang armadong lalaki na may hawak na papel at panulat.
"Pirmahan mo na para matapos na 'to." sabi ng lalaki na mukhang naiinip na sa kahihintay.
Itinabig lang ni Renato ang form na iyon at tinignan ng masama ang mga ito. "Hinding-hindi niyo makukuha sa akin ang kompanyang pinaghirapan ng pamilya namin! Kahit patayin niyo pa ako!"
Lalong lumakas ang iyak ni Cara at umiling-iling sa mister niya. Napatingin ang misteryosang babae sa batang kasama nina Cara at Renato nang bigla itong umiyak. Nasaktan ito sa mahigpit na pagkakayakap ng sariling ina.
Ibinaling kaagad ng babae ang paningin niya kay Renato at itinutok sa ulo nito ang hawak niyang baril.
"Parang awa m-mo--RENATO!!!"
Umalingaw-ngaw ang nakabibinging putok ng baril sa malinis na kalsada. Ni wala manlang na mga sasakyan ang dumaan dito. Malayo rin ang mga kabahayan. Kaya walang makakasaklolo sa kanila ngayon.
"RENATO!" palahaw ni Cara nang makitang bumagsak ang katawan ng walang buhay niyang asawa sa malamig at basang sahig.
Nanginginig ang kamay niya nang abutin ang pisnge ng asawa niya, mabilis na kumalat ang dugo sa sahig. Hindi naman maawat ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ni Cara habang pilit na iniintindi ang nangyari.
Itinutok naman ng babae ang baril niya ngayon kay Cara. "Any last word, Cara?"
Walang nagawa si Cara kundi ang ipikit ang mga mata niya. Dinampian niya muna ng halik ang ulo ni Isabela at huminga ng malalim.
"L-let my daughter...live.." nanginginig ang labi niya nang bigkasin ang mga salitang iyon at isang nakakalokong ngisi lamang ang ibinigay ng babae bago tuluyan kalabitin ang gatiylo ng baril.
BINABASA MO ANG
Isabela(Completed)
Fiksi RemajaIsabela Corazon Eliotha, ang unang apo ni lola Teresa sa kanyang panganay na anak. Isang trahedya ang nangyari sa mga nagpalaki sa kanya, uuwi na siya sa totoo niyang tahanan. Ang dating tahimik niyang pamumuhay ay magugulo dahil sa apat niyang pins...