Chapter 3

16.2K 933 394
                                        

"Let's go!"

Tinulak ako palabas ni Jen ng tuluyan ng makalayo yung mga Death eaters namin kanina.

I offered her my hand pero inirapan lang ako nito. Natawa na lang tuloy ako at dinampot ko yung bag ko. I'm still having that lollipops in my mouth. This tastes milk.

"Let's set this straight." Diretsang sabi nito. "Stay away from Alliston. You're dragging her to do bad things."

Amuse na tiningnan ko naman sya. Akala ko ba dead kid sya? So what's with defying rules now?

"Alliston is the one who always come to me. Set your facts straight."

Sinusundan nya ba talaga si Alli? Kaya ba lagi syang sumusulpot kung nasaan kami ni Alliston?

What is she? Our shadow? That's fun.

"If Alliston knows that she has no means to do it, she'll stop. Dumating ka lang naging ganyan na sya." Sabi pa nito.

Nagkibit-balikat lang ako. Wala akong pakialam kahit magalit pa sya. Wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman kontrol yung isip ni Alliston kung gusto nyang puntahan ako. It's better if she'll talk to her friend. As far as I am concerned, mutual yung benefits namin ni Alliston sa isa't isa. I'm doing her a favor as she is paying me for doing it.

"Cursed Kid!" mahinang sabi pa nito pero rinig ko naman.

I choose to ignore her. I'm going to go home now. Dumidilim na. My mom will be surely worrying about me.

"Aren't you going to say something?" Tanong pa nito na sinasabayan ako maglakad.

I just pretended not to hear her. I'm good at it. Nang maalalang nasa akin pa pala yung phone ni Alli ay kinapa ko iyon sa bulsa ng bag ko. Our skirts don't even have pockets. Sucks!

Pagkakuha ay inabot ko yun kay Jen.

"Please do me a favor and give it back to Alli. She might had forgotten that she handed me her phone habang hinahanap namin yung racket nya kanina."

Kinuha naman iyon ni Jen.

"Saan ka pupunta?" takang tanong nito ng mapansin na hindi ako papunta ng main gate.

Of course. For sure, inaabangan na ako doon nila Hariette at ng security. Pag ako nahuli, siguradong matatanggal ako sa school. So, I'd rather climb the wall and just jump my way outside. It's not new naman. Ilang beses ko na nagawa.

Nagulat naman ako ng hatakin nya ako sa suot kong necktie. Naubo pa ako dahil nahirapan ako makahinga. Saka lang nito binitawan yung necktie ko.

"Come with me." kalmadong sabi nito. "And please throw that lollipops. It's so gross."

"You put it in my mouth tapos ako sasabihan mo ng gross? Are you nuts?"
Itinapon ko na lang yung lollipops para matahimik na sya.

"Stop swearing all the time."

I kept my mouth shut. She's truly annoying. Naririndi yung utak ko sa kanya. I just want to gag her so she'll stop talking.

True to my words, saktong pagdating namin sa gate ay nandoon pa nga si Hariette. Halatang nagulat ito na kasama ko si Jen at hindi si Alliston.

"Hi, Hariette." Kaswal na bati pa ni Jen dito.

Awtomatikong nagsalubong yung kilay nung isa. "Magkasama kayo?"

Tumango naman dito si Jen matapos akong tapunan ng tingin.

Grant's Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon