Chapter 9

14.8K 947 406
                                        

Hinatak ko yung buhok ni Hariette. Why is she so busy sa pakikinig sa lecture.

"What?" She hissed in a very low voice.

Hinihingi ko yung bag nya e. Wala akong magawa. Everyone's so busy.

Kung andito si Samantha siguradong may kasama akong nagdodrawing. Madalas kasi kaming nagpapagandahan lang ng drawing namin sa klase. Minsan naman ay maglalaro kami ng 'Guess Me' where there will be three sentences to define it. Tapos idodrawing namin kung ano yung sagot. It's really fun. Lalo pa sa vocabulary ni Sammie na sobrang nakakatuwa. I always find it amusing. Because I'm always losing at that game.

Inabot naman ni Hariette yung bag nya sakin. I pulled out one of her notebooks and a pen. Cute. May gumagamit pa pala ng pencase? And oh, Hariette has a lot of pens. Is she a writer or what? Ang dami nyang ballpen kasi. Puro mamahalin pa. Nagnakaw ako ng isang fountain pen. Weird. May engraved na HO yung mga ballpens nya. Initials nya?

Pinagpipilas ko yung papel ng mamahaling notebook nya tapos dinrowingan ko ng pangalan ni Leigh. I made a paperplane tapos binato ko papunta sa direksyon ni Leigh.

She's really stunning. A perfect Royal Blood. No doubt. Leigh gave me a bored look ng tumama sa pisngi nito yung paper plane. Nangingiting nagflying kiss naman ako sa kanya. Inirapan nya lang ako. Cool. I'll have a date with her mamaya. Kukupitan ko ulit sya. Gaya ng ginagawa namin ni Railey dati tapos ipambibili ulit namin ng fruit juice na tanging si Van lang naman ang uubos. That's fun kaya. Si Leigh kasi yung kuripot samin pero hindi nya naman alam kung magkano laman ng ID nya or ng wallet nya. I was waiting pa naman na kumprontahin nya ako na kinukupitan ko sya. Minsan nga ginagawa ko ng obvious e. Hindi naman sya nagrereact.

Aha! Si Aria. She's too engrossed in listening to class too. Pagkatapos ay ito naman ang napagtripan kong asarin. Pero imbes na dito tumama yung papel ay kay Vanilla iyon naglanding. Magkatabi pa naman kasi sila. Hinangin yata yung eroplanong papel o nagkamali lang ng direksyon?

Napatapik na lang ako sa noo ko ng biglang magtitili si Van sabay tayo sa upuan nya na akala mo nabagsakan ng insekto. Akala nya yata ay kung ano na yung tumama sa kanya.

Fucks!

Natigilan tuloy sa paglelecture yung professor nila. Si Hariette naman ay mabilis na isinubsob yung ulo ko sa mesa.

I even heard her whisper to me to just pretend being asleep.

"It's no fun."

"Pag nahuli ka na nanggugulo ng klase pati ako damay." Banta pa nitong isa.

"I won't get expelled. I have the exception and immunity na. Want me to lend you my lucky amulet?" Pangungulit ko pa dito.

Paano naman kasi seryoso syang nakatingin sa harapan. Nagprepretend na isa sa mga good student.

Well, Hariette's scholastic records aren't even bad. She's exceptional sa science and mathematics. Ang weakest subject yata nito ay literature. Well, Alli used to say that Hariette will be good if matututo itong magbasa ng books on her free time.

"Grant, please shut the fuck up?"

"Okay." Bubulong bulong na sabi ko pa habang pigil na pigil ang matawa. Inangat ko yung chin ko at inilapat sa armdesk habang nakasilip kay Vanilla.

Nakayuko na ito habang sinesermunan ng professor nila. Kasi naman jusko! Bakit kailangan nya tumili? Ang cute cute talaga nito. Napaka-inosente at batang-bata. She's a real whining brat. Si Leigh tuloy naging constant companion na nito.

Grant's Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon