"Shocks! She's so hot!"
Napaangat yung tingin ko sa rason ng pinagbubulungan ng mga babaeng nasa tabi ng table na inuupuan ko. I'm in the library waiting for Alliston.
There's the famous Latina Kid. Just across our table.
She's comfortably sitting alone while reading hardbound books na pang-college na. She's really a brag. Who reads Law when we're just ten? Masyadong pabibo. Nakakainis.
"Oy, Jen. Halika na." Kinalabit ako ni Alliston. Halatang nagmamadali ito.
Napaangat yung tingin ni Alli sa tinitingnan ko at saka napangiti.
"She's so smart no?" Komento pa ni Alliston. There's admiration in her eyes while staring at that kiddo.
"Brag about her intelligence?" Umismid pa ako. "Sure, she really is. I like Samantha better. Kahit matalino hindi brag. Saka pag kinakausap, maayos sumagot."
Tumayo na ako. Maging si Alli ay sumunod na lang sakin palabas ng library.
"Mabait kaya si Grant. Ikaw kaya nagsabi sakin nun."
Yeah. I did. Sa tuwing makikita ko kasi ito ay lagi itong mag-isa. Gaya na lang sa araw-araw na pagbisita nito sa backyard. Sinusundan kasi ito ni Kayleigh lagi. Tinitingnan kung anong gagawin sa backyard. But Grant is just visiting the grave of the poor cat who died in her stead. I also saw her sharing her bread to the cats. Minsan nagdadala pa ito ng fish na binili nito sa canteen.
"Mayabang pa din sya." Sabi ko na lang. Totoo naman kasi.
Lagi kaya itong natutulog sa klase. Hindi nakikinig sa lesson. Tapos gigising na lang pag mag-eexams na. Madalas pa itong nagbabasa ng kung ano-ano na wala namang kinalaman sa lecture namin. Napakayabang. Feeling cool.
"She's not mayabang. She's actually nice. She's even putting a caramel bar in your locker everyday kaya. Maybe a sign of her gratitude for saving her before."
Napatigil ako sa paglalakad. Maging si Alliston ay halatang natigilan din ng magregister dito yung sinabi nito.
"Ano ulit sinabi mo, Alli?"
"Wal-Wala aa." Napansin ko pa yung mabilis na pag-iwas nito. Halatang tatakbo na ito panigurado. Kilalang-kilala ko yung mga ganyang galawan ni Alliston. We basically grew up together.
Kaya naman mabilis kong hinatak yung bag nya. Bakit ba kasi nakabackpack din sya? Ginagaya nya yata yung babaeng iyon e. Silang dalawa lang yung nakabackpack na babae sa school.
"Ulitin mo yung sinabi mo, Alli." Sabi ko pa. "Pag di mo sinabi, isusumbong kita kay Tito na nagdadala ka ng mga lizards at frogs sa school. Tapos nilalagay mo sa bag ng kung sino sino."
Napakagat naman ng labi nito si Alliston.
"Fine. Fine." pagsuko nito saka tinabig yung kamay ko. "I saw her one time na nagbubukas ng locker mo. Nilagyan nya ng caramel bar. Tapos nilock nya ulit."
What? I've been receiving caramel bars since we were eight. Galing kay Grant iyon? Two years na niyang ginagawa iyon? For what?
So Grant is the devil? May note kasi iyon na may drawing ng evil emoticon.
"Tapos nalaman ko nga kay Leigh na kaya nga daw magbukas ng lockers ni Grant gamit yung hairpin nya. Ang astig no?"
Napacross arms naman ako. "Paano mo nalaman na alam ni Kayleigh?" nagdududang tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
Grant's Revenge
Literatura FemininaIntelligence is not something everyone should crave. It's like putting an active rolling film in your head that never stops. What's running in their heads? Have you ever wonder? Their mind is working and running all the time. And commoners won't ev...
