Chapter 39

13.6K 815 260
                                        

Jen

I immediately hug Grant nang matanaw ko sya na nakababa na ng private plane. May mga kasunod itong bumaba pero yung mata ko ay nakapagkit lang sa kanya.

"Gosh! Bakit iniwan mo ko!?" Hindi ko mapigilan yung mapaiyak ng yakapin nya din ako.

"I need to ensure your safety, Princess." binuhat ako nito at hinalikan sa pisngi. Dinala nya ako papunta sa front porch ng bahay.

Isinubsob ko lang yung mukha ko sa gilid ng leeg nya. I want to sniff her minty scent. I really miss her.

Nung isang gabi lang ay magkausap pa kami. Nang dahil sa pagod ay nakatulugan ko na ito. Pagkagising ko ay wala na ito at umalis na daw kasama yung Uncle Tops nito. Ang sabi ni Alliston ay may kailangan lang daw asikasuhin si Grant pero babalik din daw ito agad.

Kaya nga nanatili yung ibang mga kaibigan namin ay para samahan ako habang wala si Grant. Ipinasyal ko sila sa may hotspring. Pero dahil buntis nga si Railey at ayaw naman itong pagurin ni Alice, ay sa beach na lang ang mga ito pumunta noong umakyat kami nung iba doon sa hotspring. Tuwang tuwa din naman silang lahat.

Si Terry at Van nga ay nagbiro pa na gusto din daw nito ng isla. Iiwan na daw nila sina Sam at Leigh para dito na lang silang dalawa. Tutal mabait naman daw ang mga tao dito at masasarap yung mga pagkain na inihahanda sa kanila. Those two are surely fond of western food. Puro steaks, burgers and sandwiches yung gusto nilang kainin. Ayaw na ayaw ng mga gulay-gulay dahil pakiramdam nila ay nagiging kambing na sila.

"Napagod ka ba sa pag-aasikaso sa mga bisita natin?" Tanong pa ni Grant sakin.

"Nope." Ngumiti ako. "They are nice naman. Alam mo naman iyong mga iyon. Puro masisiyahin. Saka nandito naman si Alli. Wala naman nag-away. Takot silang lahat kay Alliston e." Biro ko pa.

"Well, they should be. Iba pa naman magalit si Alli." Ngumiti din si Grant. Pagkatapos ay hinalikan yung gilid ng labi ko. 

It's her way of saying, I'm closer than you think.

"I miss you. Bakit ka biglang umalis?"

"I just need to do something."

"What something is it?"

"I got my surprise for you." ibinaba niya ako at saka itinuro yung pinanggalingan nito.

I saw my father. Out of instinct ay iniharang ko yung sarili ko kay Grant. I put her behind me. Baka saktan sya ni daddy.

Narinig ko pa yung mahinang pagtawa ni Grant. "You told me to trust you and your family, Princess. Are you afraid that your father will betray me?"

Nagtatakang nilingon ko lang sya. Is she telling me na nagkausap na sila ni Daddy? Have she got his loyalty?

"Go. Talk to him." Utos pa ni Grant. "Where are the others? I need to talk to Leigh and Samantha. Nandyan pa ba sila?"

"All the girls are still here. Wala pa namang umaalis. Bukas yata sila uuwi dahil kelangan na ni Hariette magpakita sa parents nya. They are using her yacht pa naman."

"Where's Alliston?"

Napaangat yung kilay ko sa tanong nito. Bakit ba lagi nitong hinahanap si Alli?

"I just need to talk to her." Paliwanag pa ni Grant. Pagkatapos ay tila ba may naalala ito.

Lumapit ulit ito sakin at tinanggal yung suot kong wristwatch na binigay nya sa akin noong ikinasal kami. Pinalitan nito iyon ng diamond ring. Tapos yung wristwatch nito ay tinitigan nito saka parang maiiyak na ngumiti. Kinuha ko iyon at isinuot dito. Naalala siguro nito yung Mommy nito.

Grant's Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon