Grant
"Damn!"
Hinihingal si Alli nang bumalik ng sasakyan. Samantalang kami ay prenteng nakaupo at naghihintay ng feedback nya. Ito kasi yung bumaba kanina para mag-ikot ikot.
"Why?"
Itinuro nito yung area ng perimeter na sinasabi nitong safe sana namin pasukin.
"There are guards in there. Four to five. Heavily armed."
Napahinga naman ako ng malalim. Nakaikot na din ako kanina. Yung entry point na isa pa ay mas madaming bantay. Hindi safe doon. Baka bago pa kami makapasok doon ay bangkay na agad kaming bumagsak sa semento.
"I'll create a commotion. You get inside. You and Candice." Utos ni Alliston.
Actually ang plano ay apat kami nila Alli, Samantha, at Candice na papasok sa loob. Si Samantha at Candice yung magkasama sa wing kung nasaan ang room ni Olivia. Samantalang kami ni Alli sa kabila kung nasaan amg room ni Oliver. Si Hariette ang maiiwan sa sasakyan na itinago namin ng hindi kalayuan sa bahay ng mga Irvines. Mabuti na lang at hindi secluded yung lugar nang mga ito. May mga katabi din itong bahay na puro nasa gobyerno o di kaya mga kilalang business tycoon.
But given the current situation, mukhang mag-iiba yata kami ng plano. When Alli says it's not safe, she had already assessed the possibility to get us in to be below fifty percent.
Sumilip si Candice sa labas ng bintana. Pagkatapos ay tila nag-iisip din. Pareho kaming kumakain ng Milk-flavored lollipops ngayon. Ipinadala daw dito ni Jen kanina. Ito lang kasi at si Sam yung nakikipag-usap kay Jen. Si Jen naman ay iniwanan lang namin sa bahay. I know she'll be safe there. Lalo pa at madami namang bantay doon na iniwan si Alli.
"What are you thinking?" Tanong ko kay Alli.
Inilabas naman nito yung gas bombs na ginawa nila Hariette at Candice.
"No. We're not going to use it. I want to do it in silence." Mabilis akong tumanggi. It's risky for us too. Masyadong mahirap kumilos kung pati kami nakamask at ibabato nito iyon sa open area. Baka may ibang madamay. "I'll do it. Mauna na kayong pumasok. I'll divert their attention to me. "
"Wait. Let's stick to the plan. We'll do it." Itinuro ni Candice si Alli. "We'll create commotion."
"What?"
"Can I borrow clothes?" Inosenteng tanong nito.
Itinuro ko naman yung bag ng mga damit ni Hariette at Samantha.
Nagulat kami nang walang anuman na naghubad ito sa harap namin at nagpalit ng skirts at sleeveless blouse.
Si Alliston naman ay binatuhan nito ng plain na T-shirt na maluwag. Nakapants naman kasi si Alli.
"I'll take Alli's part." Mabilis na sabi ko. Mukhang alam ko na kung saan tutungo ito. Ipapain nito si Alliston.
Ngumiti naman si Candice sakin ng sarkastiko. "Sure. Unless you both want us to die? Have you forgotten that they are familiar with your face." Point out pa nito.
"I'll take cover. It's easy."
"Let me do it." Si Hariette na yung nagvolunteer. Hinubad nito yung suot nitong tops at saka sinuot yung T-shirt. "No one is familiar with my face yet right?"
Ngumiti si Candice dito. Pagkatapos ay sinuotan din ng hair caps si Hariette para itago yung buhok nito. Saka sinuotan ng baseball cap. Pati yung leather jacket at black pants ko pinasuot din nito.
"Wait." Awat ni Hariette. "I'll act as a guy?"
Tumaas yung kilay ni Candice. "The bad guy?" Tumango-tango pa si Candice at saka tiningnan ng mataman si Hariette na para bang iniinsulto pa. "You'll be the bad boyfriend. You'll surely fit the role."
BINABASA MO ANG
Grant's Revenge
Chick-LitIntelligence is not something everyone should crave. It's like putting an active rolling film in your head that never stops. What's running in their heads? Have you ever wonder? Their mind is working and running all the time. And commoners won't ev...
