Grant
Hindi na ako nagulat nang pumasok si Jen at may bitbit na mga wild flowers. Malamang nagsuot na naman ito sa gubat kanina at kumuha ng mga ganun sa parang. Halos mag-iisang buwan na syang ganyan. Kahit lagi kong sinasabi na tigilan nya na yang ginagawa nya.
"For you." inilapag nito iyong mga nakuha nitong bulaklak sa center table.
"I don't like it." walang ganang sagot ko na sinulyapan lang iyon at tinabig palayo. "I told you to stop getting those. It's too ugly."
Nagpapasensyang lumuhod ito at dinampot iyon. Pagkatapos ay kinuha ulit.
Akala ko ay aalis na sya. Ayun pala ay kinuha lang nito yung vase at saka inilagay ang mga iyon doon. Napangiti pa ito bago ilapag iyon sa table.
"They're pretty and rare, Grant. Just like you."
"Wild and ugly?" Bahagyang umangat ang tingin ko dito at napailing. She's really not giving up. "Thank you. That's so nice of you. Now get out of here. I'm working."
Sinundan ko ito nang tingin nang paalis na sana ito ng living room. Napakunot lang yung noo ko nang mapansin na dumudugo yung kaliwang braso nito. Kahit may balot na iyon na panyo ay halatang dumudugo pa rin iyon.
"Don't move!" Halos maibato ko yung hawak kong laptop nang tumayo ako at lapitan ito. "What happened here?"
Umiling lang ito kahit hawak ko na yung braso nya.
"Jen?!" I'm almost getting impatient. Sa halos mag-iisang buwan na iniiwasan ko sya ay ngayon na yata ako napupuno sa kanya.
"It's nothing. Don't worry about it."
"Nothing!?"
Pumikit ako sandali para pakalmahin yung sarili ko. Pero just the mere thought that my princess was hurt in my territory is making me insane.
Marahas na binitawan ko yung braso niya. Lumabas ako ng living room. Kasunod ko si Jen na halos maglakad-takbo sa pagsunod sakin.
But I'm mad. Terribly mad. And nothing and no one can stop me right now.
"Where's Rob?!" I didn't hide my anger nang makalabas ako ng front porch ng bahay.
"Miss Silva." Yumuko sakin yung isa sa mga bantay.
"Call, Rob." utos ko dito. Kinuha ko pa yung nakasukbit na baril sa bewang nya.
"Miss.."
"Do it or I kill you on his stead?" Itinutok ko yung baril nito sa mismong ulo nito.
Kitang kita ko pa yung panginginig nito sa takot. What a weakling! Ganito ba kawalang kwenta yung mga bantay na pinadala ni Uncle Tops?
"Grant, Stop!" Awat ni Jen na humarang samin. Itinutok nito yung dulo ng baril sa mukha nito. "Hindi ko lang napansin yung sanga na nakaharang doon sa may gilid ng bangin nung kinukuha ko yung mga bulaklak. Napasabit lang ako."
Weird that Jen is not even shaking. Samantalang yung lalaking nasa likod nito ay halos maihi pa sa takot.
"Get out of here, Jen." Nagtitimping sabi ko. Pagkatapos ay hinarap ko yung mga tauhan ko na nakatingin samin.
"Pag hindi lumabas si Rob, patayin nyo na itong isang ito." Itinuro ko yung lalaking nasa likod ni Jen.
Awtomatikong umangat naman yung baril ng lahat patungo sa direksyon niyon. Gaya ng utos ko.
"Grant. What the crap?!" I can sense Jen as she panics.
Nginitian ko lang sya.
Sorry Princess. I told you that I am not half as forgiving as Vanilla. Mas lalong hindi din ako kasingbait ni Samantha.
BINABASA MO ANG
Grant's Revenge
ChickLitIntelligence is not something everyone should crave. It's like putting an active rolling film in your head that never stops. What's running in their heads? Have you ever wonder? Their mind is working and running all the time. And commoners won't ev...
