Chapter 47

13.8K 809 200
                                        

Jen

Nakita ko na yung pagbaba ni Grant. Kasunod nito si Candice. Seryoso lang yung mukha ni Grant. Samantalang si Candice ay walang ekspresyon.

Bago pa makababa ng hagdan ang mga ito ay humarang na agad si Leigh at Hariette.

"Candice, let's get some refreshments at the kitchen?" Yaya ni Leigh kay Candice.

Sinulyapan lang ni Candice si Rob na nakayuko. Pagkatapos ay tumango at ngumiti kay Leigh. "No. I'm not thirsty."

"We are commanding you to go with us." Mataray na sabi ni Harriete

Bago pa ito makasagot ay binatukan na nito si Candice. Mukha kasing kokontra pa ito. "We are older than you. You should follow us!"

Tila naman hindi nasaktan doon si Candice. Napakunot na lang ang noo ko ng ngitian nito si Hariette. "Okay, old maid."

Napipikon na babatukan sana ulit ni Hariette si Candice pero sinipa lang ni Candice nang dalawang beses yung binti ni Hariette. Pagkatapos ay bumagsak na yung isa. Buti nahawakan agad ito ni Leigh. Kung hindi ay gugulong talaga ito sa hagdan.

"That brat!" Malakas na hiyaw ni Hariette. "Ouch! Ang sakit ng binti ko."

"Stop wearing your perfume. It's distracting me."

Pagkadaan ni Candice kay Samantha ay itinuro nito si Hariette. "Can you help her, Ate Sam? I think I accidentally hit her shin. I'll go get her ice packs before it swells."

"I'll kill you!" Banta pa dito ni Hariette na inaawat na lang ni Leigh. Si Samantha naman ay agad itong dinaluhan.

Pumasok na sa kitchen si Candice na hindi man lang tumitingin sa gawi namin.

"Grant."

Lumapit sakin si Grant at hinalikan yung sentido ko.

"Where are they?" Seryosong tanong nito kay Rob.

Itinuro ni Rob yung living room. Doon namin ipinalagay yung bangkay ni Uncle Tops. Pati yung katawan ng Dad ni Grant. May bitbit pa itong mga black na luggage.

"Grant, you don't have to see it right now." Awat ko naman sa kanya. Baka kasi bigla na naman itong magwala. Naalala ko pa yung reaksyon nito noon nang makita nitong namatay yung Mommy nito.

"It's okay." pag-assure sakin ni Grant. "I have to make sure that they're dead."

"Sammie, please?" Naiiyak na pakiusap ko kay Sam. Ito kasi at si Alliston lang ang inaasahan ko na aawat kay Grant pag nagwala.

Si Alice naman ay nagvolunteer na ito na ang magbubuhat kay Hariette papunta sa living room.

Nang makalapit si Sam ay pinisil nito yung balikat ko. While Railey, Terry, Corinne, and Vanilla will all be left outside the room. Sabi kasi ni Rob ay medyo maselan daw yung itsura nila Uncle Tops. Baka hindi kayanin ng mababaw ang sikmura.

"Princess, you can stay with the oth—"

"No. I'll stay with you!" Desididong sabi ko dito. I want to comfort her too. I am her wife.

Tumango lang si Grant nang tapikin ito ni Aria at Alli.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng living room.

Fucks!

Parang babaliktad yung sikmura ko ng makita yung katawan ni Uncle Tops. Nakalagay iyon sa puting sako na halos magkulay pula na. Dinoble lang iyon ng plastic.

"Who did this to him?" Kalmanteng tanong ni Grant.

Si Aria naman ay parang hindi din kinaya at nagtatakbo palabas ng kwarto. Nag-iwas lang ng tingin si Leigh. Samantalang si Samantha at Alliston ay tahimik lang. Si Hariette ay hindi nagsasalita. While Alice immediately looked away.

Grant's Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon