Jen
Hinayaan ko lang matulog si Grant habang nasa byahe kami. Ilang araw na itong walang matinong tulog at puyat. Tapos ngayon, may tama na naman ito sa kanang braso.
I can't help but to wonder kung paano nito nagagawa iyon. Para kasing hindi naman nito nararamdaman yung sakit. Kanina nga na ginagamot ito ng tauhan ni Uncle Tops ay hindi man lang ito umaaray sa sakit. Hindi naman ito tinurukan ng anesthesia. Tapos ang kakatwa pa ay nagagawa pa nitong makipagbiruan kay Al habang umiinom lang ng alak.
Matapos matanggal yung bala na bumaon sa braso nito, ay nakatulog din ito. Binuhat na nga lang ito ni Rob paakyat dito sa chopper na maghahatid samin ulit sa isla.
Ang sabi ni Uncle Tops ay magpalamig daw muna kami kahit mga tatlong araw. Ito at yung mga tauhan na daw muna nito yung kikilos habang nagpapahinga pa si Grant.
Malakas ang kutob ko na ayaw lang din ni Uncle Tops na mapahamak si Grant kaya pinauwi na lang din muna nito. Kaya din siguro kinuha na nito si Candice ay para maibaling yung atensyon doon ni Grant. Uncle Tops wants to give Grant reasons to fight and to always stay alive sa mga kinasasangkutan nito.
Ako at si Candice. It's enough for Grant to practice safety precautions bago ito sumabak sa mission nito. Pero tao lang din naman ito. Patunay nga yung tama ng baril sa braso nito kanina. She put her guard down dahil kausap ako. Kung hindi ko siguro sya tinawagan kanina ay hindi ito matatamaan ng bala. Buti na lang at iyon lang ang nakuha nito.
Pagkalapag pa lang namin sa isla ay nagising na din si Grant. Kahit halatang medyo inaantok pa ay nagawa pa nitong ngumiti. Atleast, hindi na ito kailangan pang ipabuhat.
"Leigh, puntahan ko lang si Terry!" Nauna nang bumaba si Van na nagtatakbo pa.
Napailing na lang si Alli at Leigh. Tapos si Alice din na natatawa.
"She's so excited to see Terry. Ilang araw lang naman sila di nagkita." Komento ni Grant na natatawa pa sa tabi ko.
Inalalayan ko naman ito habang pababa kami. Pero inakbayan lang ako ni Grant.
"Nakalimutan nya nga bitbitin yung pasalubong nung iba. Yung kay Terry lang naalala nya." Naiiling na lang si Leigh. "Goodness. I can't really imagine us having kids."
"Make her have it. Titino din yan pag sya yung nagconceive ng baby nyo." Ngumiti pa si Grant. "Stop treating Van as a baby. Don't always be forgiving."
"Maybe it's still the after effect ng two years na pagiging drug dependent nya. She'll fully recover soon. Maybe a year pa siguro magmamature na sya ulit."
"Perhaps." Sang-ayon ni Grant. "If you want that to happen, mas makakabuti na ilayo mo yang isang yan kay Terry. They are becoming weirdos when they're together."
"Sam's letting those two to hang-out." Depensa ni Leigh. "Van and Terry are complimenting each other's weaknesses. Pag magkasama sila nawawala yung mga insecurities nila. It's clinical to put them together."
"The way I see it? It's not that healthy. But still, it's your call."
Nagkibit-balikat lang si Leigh. Wala naman itong isinagot kay Grant.
Nasa sala na kami nang makarinig kami ng mga sigawan sa taas. Unang bumungad samin ay yung itsura ni Terry na nakaupo sa hagdan at umiiyak. Pati si Vanilla din tuloy naiiyak na.
Sobra namang pagkamiss nila yata nyan sa isa't isa.
"I told you nga, wala akong nilagay na kahit ano sa pagkain nila!" Dinig namin na sigaw ni Hariette.
"I didn't say that you did. Ang tinatanong ko lang naman ay kung ano yung nalagay mo sa pagkain. Baka may napasama doon na hindi kayang idigest nung iba."
BINABASA MO ANG
Grant's Revenge
ChickLitIntelligence is not something everyone should crave. It's like putting an active rolling film in your head that never stops. What's running in their heads? Have you ever wonder? Their mind is working and running all the time. And commoners won't ev...
