Jen
God! Bitches are here.
Lalayo sana sakin si Grant nang makita yung mga kaibigan namin na papasok ng living room. Umayos lang ako ng upo pero nakasandal pa din ako sa kanya.
Nagtatakang tiningnan ako nito at isinenyas yung mga kaibigan namin. I just gave her a blank stare.
This is what she wants right? I'm giving it to her. Unless natatakot syang bugbugin ng mga iyon?
Wala na din naman kami sa normal na buhay namin. So technically, they're just our closest friends. Kumpleto pa naman silang lahat. Even the pregnant Railey. Though it's really weird to see her with a baby bump.
"Oh my gosh!" Tili ni Van na nagtatatalon pa habang papunta sa direksyon namin ni Grant.
Oh sweetness overload!
I silently groaned inwardly dahil kinailangan ko pang tumayo para salubungin si Van. Baka kasi dambahin nito kami ni Grant.
"Shocks! I miss you, Jen!" Ang higpit ng yakap nito sakin.
"Hey, 'Miss you too."
Si Sammie ay awtomatikong umupo sa tabi ni Grant at sinilip yung sugat nito. I heard Grant saying I took good care of her so Sam has nothing to worry about it.
Pagkakalas sakin ni Van ay si Leigh naman yung humalik sa magkabilang pisngi ko.
"Is it true? You really had an affair with this woman? Tapos you'll marry her?" Hindi makapaniwalang itinuro pa nito si Grant na kumportable lang na nakaupo. Grant just gave Leigh her casual playful grin.
"No. What affair?" Tumawa lang ako sa kanila. Pagkatapos ay si Railey naman yung niyakap ko.
"Sweet Jen! Sa wakas matatapos na din ang pagiging player ni Grant!"
Shocks! I really miss her too. Hinaplos ko pa yung tyan nito. She's blushing like a kid. Seriously, ito kasi yung medyo boyish manamit samin tapos seeing her in a dress which is out of her normal? It's truly a sight to behold. Katabi nito si Alice na humalik sa pisngi ko.
Si Hariette naman ay lumapit din sakin at nakipaghighfive. Kasunod nito yung nakasimangot na si Alliston. Sa likod ni Alli ay nandoon din si Aria na hindi makatingin sakin ng diretso. Kasama si Corinne na kumaway lang sakin. Even Terry na tahimik lang din.
Why are they in a bad mood?
"Jen!" Nagulat na lang ako ng hatakin ako ni Alliston palayo sa grupo.
"I'll be okay." Grant raise her hand to me na para bang sinasabi nito na samahan ko muna si Alli.
Our eyes locked. Nakakaunawang tumango naman ito. Sinesenyas nito na kakausapin din nito sina Leigh at Sam. Those two are her closest friends growing up.
Salubong pa din ang kilay ni Alliston. Halatang galit ito sa higpit ng hawak nito sa wrist ko. Hinayaan ko lang sya na kaladkarin ako. Hindi naman ako natatakot sa kanya e.
Huminto lang kami nang makarating kami sa may papasok na sa gubat. Tumingin tingin pa ito sa paligid. Nang makasigurado na malayo yung mga tauhan ni Grant na nakatanaw samin ay saka lang ito nagsalita.
"Are you really going to marry Grant? Pinilit ka ba nya?"
Gusto kong matawa sa frustration ni Alli. Bakit ba ganyan sya? Lagi nyang iniisip na pinipilit ako ni Grant.
A thought cross my mind. "Wait, don't tell me may relas—"
"Don't be stupid, Jen. Grant is a friend that I'm benefiting with. Warming bed not included." Mabilis na itinaboy agad nito yung ideyang pumapasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Grant's Revenge
Romanzi rosa / ChickLitIntelligence is not something everyone should crave. It's like putting an active rolling film in your head that never stops. What's running in their heads? Have you ever wonder? Their mind is working and running all the time. And commoners won't ev...
