Chapter 6

15.6K 902 203
                                        

"Fucks!"

Nagulat ako ng batuhin ako ng apple ni Jen. Ang sakit! Napamura tuloy ako.

Tumawa lang ito. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapangiti.

Nandito din sya sa rooftop habang nagpapalipas kami ng lunchbreak. She's eating with me. More on, she's sharing her food with me.

"Sagutan mo yung assignment natin, Grant. Hindi mo pa natapos to kagabi kasi mas inuna mo pa maglaro e." sabi pa nito na inilabas yung notebook. "I can't get this."

Natatawang kinuha ko yung notes nya at sinilip yung assignment na sinabi nito. Kahapon ko pa nagawa yun habang nagle-lecture pa lang at nadistribute na yung papers nang sasagutan namin.

Yung kanya naman ginawa ko kagabi sa kwarto nya. But I found her playstation more appealing so I played hanggang sa makatulugan na nga nito iyon kakaremind sakin ng assignment nya. Ang ending, late ako nakatulog kakalaro. So I just slept sa first three classes namin kanina.

"This is so easy. Why can't you get this?"

Lumapit sa tabi ko si Jen pagkatapos ay inabot yung ballpen nya. Kinuha ko iyon at sinagutan yung papel nya. Si Jen naman ay inagaw yung notebook ko at sinulat yung lectures namin kahapon. Hindi kasi ako nagsusulat sa klase. Madalas na natutulog lang talaga ako.

What for? I already have it in my mind. It's like an information that's embedded directly in my brain.

Pero nasa grading system din yata yung pagcheck ng notebooks. So yeah, Jen is the one doing my notebook for me and I am helping her pag meron syang di naiintindihan sa lecture namin.

It's easy. Most of the time, I'm sleeping in her bedroom. It's so easy to sneak in. Tapos dun nya tatapusin yung pagsulat ng lecture sa notebooks ko. As I'll do her homeworks too. O kaya makikihiram ako ng mga collection ng books sa malaking library nila.

"Sa kwarto ka ba ulit matutulog mamaya? May aattend-an kaming party. We might be home late." kaswal na sabi nito habang nagsusulat.

"Matagal kayo?"

"Maybe. It's Dad's business partner. We'll meet his family."

"Who's family?"

"Jayden's!" Kitang kita ko pa yung pagkislap ng mata ni Jen ng mabanggit yung pangalan ng lalaking kababata nito. She even have a picture of that guy in her bedroom. Silang tatlo nila Alliston on Alli's seventh birthday.

"Oh, you mean, mamamanhikan na kayo?" Pabirong sabi ko dito.

Kumindat naman si Jen at ngumiti. She looks like a kid having a crush. Well she really is.

"How I wish." She shyly giggles pa.

Tinapik ko ng hawak kong ballpen yung ilong nya.

"Crush mo yung business partner ng Dad mo?"

"No! Of course not!" tila nandidiring dinamba ako nito at hinatak na naman yung necktie ko. "Ang gross mo. Kainis! Alam mo naman na si Jayden yung crush ko e."

Tumatawang tinutulak ko naman sya palayo habang nakahawak sa balikat niya. "Excuse me. I'm not gross. You're the gross one. He is not even a handsome lad. Tapos ang skinny pa, maputla, at pandak. Crush mo yun?"

Napipikon na niligpit naman na nito yung pinagkainan namin. Tapos inayos nya din yung bag ko.

"Hey, galit ka?"

Hindi ito umimik. Tahimik lang nitong inaayos lahat ng kalat namin.

Hays. Napikon ba sya? This is what I hate with simple-minded ones. Napakasensitive nila sa maliliit na bagay.

Grant's Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon