I am crying inside the bathroom. Alliston is sick kaya absent ito. I'm all alone. And I got into trouble. Aria isn't around too. She got chickenpox kasi.
Gosh! What should I do? Malapit na magtime para sa sunod na subject namin.
I won't attend my class na lang. Siguro naman maiintindihan nila Mommy kung bakit ako magskip ng class ngayon.
Ang problema naman iniwan ko yung bag ko sa classroom. I don't have my phone to call my bodyguards to come and pick me up.
How can I get out of here?
No, I'll be stuck here until the class ends. O kaya hanggang sa makauwi na lahat ng estudyante.
I heard three knocks on the door of the cubicle I'm in.
Tapos yung mga bulungan. It's getting worse I think. Some were saying the person inside the bathroom might peed her skirt. O kaya naman had pooped.
Lalo tuloy akong naiyak. It's wost than that.
Alliston. Bakit ngayon ka pa kasi nagkasakit? Nakisabay ka pa sa chickenpox ni Aria.
After few minutes, nawala na din yung nag-iingay sa labas. Mukhang nagstart na yung class.
"Come out now, Princess. You're safe."
Is that Grant?
Kumatok pa ito sa pinto ng cubicle ko.
"What's wrong?"
Umiiyak na lumabas ako ng cubicle at yumakap sa kanya. Nagulat man ito ay hinaplos lang nito yung buhok ko na para bang inaalo ako.
I felt so alone kanina. Buti dumating sya.
Napatingin ito sa reflection namin sa mirror. I guess she already know my problem. Akala ko tatawa ito pero nagulat na lang ako nang itulak nya ako ulit papasok ng cubicle.
"Wait for me. I'll be back soon."
Gusto ko ulit maiyak nang mabilis itong nagtatakbo palabas. Iniwan nya ako. Ano na lang gagawin ko pag hindi sya bumalik?
This is my first period. I'm so afraid of blood. My tummy aches. Might be muscle cramps. But it hurts. It really does.
Mom, what should I do?
After almost an hour, narinig ko na ulit yung mga light footsteps. I know it's Grant. Sobrang light kasi nito maglakad na akala mo laging nagtatago.
Kinatok ulit nito yung cubicle ko.
"Princess, come out."
Nang makasiguradong sya na nga iyon ay saka ko lang binuksan yung pinto.
Nag-aalala naman yung itsura nito. Pawis na pawis pa ito na halatang nagtatakbo nga. Pagkatapos ay may dala itong paperbags.
"Let's go. Dun tayo sa shower area ng swimming class."
"Ha?"
Imbes na sumagot ay nagulat ako nang iabot sakin nito yung paperbag at binuhat ako.
"Stop crying. Does it really hurt that bad?" Tanong pa nito.
Bakit sya ganyan? Kanina tumigil na ako umiyak e. Ngayon naiiyak na naman ako.
Buti na lang at halos lahat ay nasa classroom na at nagkaklase. Wala naman sigurong nakakita samin. Ang problema na lang ay siguradong alam ng lahat na nagskip ako ng class. Nandun yung bag ko sa room e.
BINABASA MO ANG
Grant's Revenge
ChickLitIntelligence is not something everyone should crave. It's like putting an active rolling film in your head that never stops. What's running in their heads? Have you ever wonder? Their mind is working and running all the time. And commoners won't ev...