Chapter 38

13K 801 244
                                        

Grant

"What do you mean?"

Magkaharap kami ni Uncle Tops. We are at his unit. Ang nakakapagtaka pa ay kasama namin sa table si Tito Max and Jen's father, Robert. Even Leigh's Dad and Samantha's Grandfather.

Damn! This isn't just a reunion, is it? Because if it is, Fuck them all!

"Sit down, Grant." pautos iyon imbes na pakiusap.

Sa tagal na kasama ko si Uncle Tops, ngayon lang yata ako nito inutusan. But he should know by now how terrible I am in taking orders.

"Grant, please." Samantha's grandfather asked me nicely. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi maupo.

Sam's Grandpa has been so nice to me growing up. Lahat ng kailangan ko noon ay ito ang nagproprovide. So who am I to disrespect him?

"It's about time, Tops." Tinapik pa ng tatay ni Jen yung left arm ni Uncle Tops.

Mas lalo akong naguguluhan doon. Hindi ko maintindihan kung anong gusto nilang tumbukin.

"What's going on?" Hindi ko na napigilan itanong.

Who wouldn't? Nandito ako ngayon kasama ng mga pamilyang ni hindi ko nga alam na kaalyado pala ni Uncle Tops.

May dalawang lalaki yung lumapit sa likuran ko. Pero bago pa nila ako mahawakan ay nagawa ko nang patulugin yung isa. Yung isa naman ay tinuluyan ko na. I twisted his neck.

"Tell your puppets not to touch me, or I'll kill all of them." Mahinang banta ko sa kanila.

May tatlo pang tauhan ang mga ito na nagtutok sakin ng baril. Kinapa ko naman yung blade knife ko sa holster na nakakabit sa right leg ko at natatago sa ilalim ng suot kong skirt. In one swift move, magkakasunod na binato ko iyon sa gilid ng leeg ng mga lalaking iyon. Making sure to hit their sensitive vein, enough to end their lives.

I smirk ng sabay sabay na bumagsak yung tatlo. Blood is oozing from the sides of their neck. Akmang tutulungan pa sana ito ng iba pang tauhan nila pero itinaas na lang ng Grandpa ni Sam yung kamay nito.

He is a doctor. He knows that I aimed for their jugular veins. They won't last long.

Napapitlag ako ng lapitan ako ni Uncle Tops. Gaya kanina, hindi ko naramdaman yung paglapit nito. Hinawakan ako nito sa braso. Pagkatapos ay may itinurok sakin.

Fucks!

"Calm down, Grant." Kalmanteng sabi nito. "I won't hurt you. We just need to keep you in place. Siguradong magwawala ka pag narinig mo na yung sasabihin namin sayo."

Pakiramdam ko nandito lang yung katawan ko na nakaupo sa upuan. Pero sobrang gaan ng pakiramdam ko na para akong lumulutang. My mind is still working though. But I couldn't feel my limbs. Ni hindi ko maigalaw kahit dulo ng daliri ko.

"Fuck you, Uncle Tops! I'm going to kill you!"

Tumingin lang sakin si Uncle Tops. Pagkatapos ay inilapag yung baril nito sa lap ko.

"Kill me later, Grant." Tumango pa ito. "But I want you to protect your sister. She was not raised to be one of us. I wish I could have given the same to you."

There are scenarios running on my head. I don't like any of it. Just the thought of a possibility na isinasaksak nito sa utak ko, ayaw kong tanggapin kahit ano doon.

I just can't! He is a psychopath. I am not the same. I will never be one.

"You always ask me kung kanino ako nagtatrabaho, Grant. Hindi ba?" Panimula nito.

Grant's Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon