Tahimik at kalmado lang ako habang kumakain ng pagkain na nirasyon sa amin.
It's been two days.
Kumusta na kaya si Mommy? Is she okay? Sana naman hindi nya ako gaanong namimiss.
"I'm afraid."
Napatingin ako sa batang babaeng iyon. Kahapon pa sya iyak ng iyak. Leigh can't even sleep because of her cries. She's a crybaby. Naririndi na ako sa iyak nya. Ngayon naman ay kailangan pa syang subuan ni Leigh para lang kumain.
"Grant." nilapitan ako ni Alliston. "Lima lang yung bantay natin. Do you think we can get out of here?"
Ngumiti ako kay Alliston at saka ko tinusok yung sarili kong daliri gamit yung hairpin ko. "Can you promise me na hindi ka hihimatayin pag nakakita ka nito?" I let my blood dropped sa table na kinakainan namin.
Jen and Aria immediately stopped eating. Mukhang masusuka na silang dalawa kaya lalo akong napangiti. Of course, good kids who always observe Table etiquette 101.
"Why there will be blood pa?" Hinubad ni Alliston yung necktie nito at pinangpunas sa dumudugong daliri ko.
Si Samantha naman yung lumapit sakin at nilagyan iyon ng band-aid. She seems too fascinated in medicines and first-aid. I really bet she'll be a doctor. Lalo pa at kilalang doctor halos lahat ng pamilya nito.
"Let's not run. We're not even mistreated. Pag tumakas pa tayo baka meron pang masaktan sa ating lahat." sabat naman ni Samantha.
Good thing that there's still someone aside sakin yung nag-iisip. Ang totoo, plano kong tumakas mamaya. Yung ako lang. Wala naman akong pakialam sa kanila. Kapag nakawala ako, siguradong hindi na sila makakauwing walo ng buhay. The kidnappers will vent their anger sa mga naiwan.
"Ayoko nitong pagkain. Who eats this trash?" Naiiritang sigaw naman ni Hariette na nakatingin sa rasyon naming pagkain.
"Just eat it or die." Masungit na sabi ni Samantha dito.
Akmang susugurin ni Hariette si Samantha pero mabilis na itong nahatak ni Railey. Si Alliston naman ay humarang na din bago pa masaktan si Sam.
"Wag tayo mag-away away. Vanilla is even afraid here. Tapos tayo tayo pa yung magsasakitan. Can't we all resort into doing things reasonably and in peace?" Awat na din ni Leigh.
Hindi ko alam kung bakit naaawa ako sa itsura ni Vanilla. Nanginginig na nga ito sa takot. Tumayo tuloy ako at hinubad yung blazer ng uniform ko.
"Here. Don't be afraid, Van. No one will going to hurt you." Isinuot ko sa kanya yung blazer ko para kahit paano ay mabawasan yung lamig na nararamdaman nya. Mukha na kasi itong magkakasakit.
"Pag nakalabas tayo dito magiging mabait na ako. Hindi na ako mang-aaway." Sabi pa nito na sumisinghot-singhot pa. "Hindi ko na ibubully si Alli."
Siniko ko tuloy si Alliston. Paano nya nagagawang utuin yung bata na nabubully ito nito? I know what she's been doing. Gosh! She's really something. Akala ng lahat ay napakabait nitong si Alliston at iyakin. Pero ang totoo, itinatago lang nito yung sungay nito. Tsk. She's more dangerous than I really thought.
Nagkunwari pa si Alliston na maiyak-iyak. If there will be an award in a role play, siguradong mahahakot nito lahat. Her acting skills is highly commendable.
Umangat yung dulo ng labi ko nang mapansin ko na maging si Leigh ay hindi naniniwala dito sa pagiging api kuno ni Alliston.
"Hindi ka naman mayaman Grant di ba?" Diretsang tanong sakin ni Hariette. "Why did they abduct you?"
BINABASA MO ANG
Grant's Revenge
ChickLitIntelligence is not something everyone should crave. It's like putting an active rolling film in your head that never stops. What's running in their heads? Have you ever wonder? Their mind is working and running all the time. And commoners won't ev...
