Chapter 43

15K 777 59
                                        

Jen

Bakit ang sama makatingin sakin ni Alliston? Weird nito.

Kapapasok ko lang ng dining room. Kaso ang naabutan ko lang doon ay si Van at si Alliston.

"Grant!" I shout nang makapasok ako ng dining room. Wala naman sya.

Nagugutom na ako. Nasaan ba yung isang iyon?

Ilang minuto lang ay sumungaw na yung ulo ni Grant. Kasunod nito si Leigh. Parehong pawisan ang mga ito. Hapit na hapit pa yung suot nitong mga fitted black sando. Tapos hinihingal pa pareho. They were both laughing at a certain joke.

Napaangat naman yung kilay ko. Maging si Van na kumukuha ng juice nito ay masama din ang tingin sa dalawa.

"Saan kayo galing?" Wait, did my voice sounds edgy?

Nagkibit-balikat lang si Grant. Lumapit ito sakin at humalik sa pisngi ko. "Nagwork-out. Gutom ka na b—"

Pareho kaming natigilan ni Grant nang bigla na lang may nagbabagsakan na plato sa sahig.

Nagwawala ba si Vanilla?

"Hey Van!" Awat dito ni Alli.

Samantalang si Van ay masama yung tingin kay Kayleigh.

"Literal na work-out, Vanilla. What the hell are you thinking?!" Naiirita na din si Leigh dito. "God! How many plates pa ang kailangan mong basagin? Isang buwan ka maghuhugas ng plato sa unit ha!?"

Naiiyak naman si Van. Nakakaawa naman ito. Nagseselos na naman siguro.

Agad naman may pumasok na kasambahay ni Leigh at nagligpit ng mga nabasag na plato sa sahig.

Ganun pa din yung itsura ni Leigh. Halatang nagtitimpi sa inis.

"I told them to prepare breakfast sa garden. Mauna na kayo kumain." dismiss ni Leigh bago lumabas ng dining room. Inirapan pa nito si Van na ngayon ay umiiyak na.

Si Alice naman na kapapasok lang ay nagtataka sa itsura naming apat na natira dito sa dining room. "Breakfast, guys?"

"Garden daw." Maikling sagot dito ni Grant. "Magshower lang ako, Princess."

Nang tumango ako ay humalik pa ulit sa pisngi ko si Grant bago nagjog papasok ng kwarto na inookupa namin.

"LQ yung bestfriend-lovers?" Tanong ni Alice na inakbayan ako. Iginiya nya ako palabas ng dining room. Si Alli naman ay naiwan na kinakausap si Van.

"Nagselos yata kay Grant." hindi ko maiwasang sabihin habang naglalakad kami papunta sa garden.

"Bakit?"

"Sabay kasi nagwork-out si Grant at Leigh. Pareho kasing maaga gumising yung dalawang iyon. Baka nagjogging sa forest sa likod."

"Hindi sinama ni Leigh si Van?" takang tanong ni Alice.

Umiling ako. "Hindi yata. Mukhang kagigising lang din ni Van e."

"Nagtampo yata yun si Vanilla kagabi." Pagsang-ayon ni Alice. "Nung tinanong mo kasi si Grant kung okay na magbaby na kayo, pumayag si Grant. Samantalang nung si Leigh na yung tinanong ni Vanilla, hindi agad yung sagot ni Leigh e."

Napakunot naman ang noo ko.

"Ako? Tinanong ko ng ganun si Grant?"

I heard Alice chuckled. "Can't remember anything last night, Jen?"

Crap! May ginawa ba akong nakakahiya kagabi? Ang alam ko nakatulog lang naman ako kagabi pagkauwi namin ni Grant. Naalala ko pa nga na pinaliguan ako ni Grant at pinatulog na e.

Grant's Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon