[ACT 1 | FITTING IN]
TATLONG BUWAN.
Tatlong buwan na akong parang alien sa classroom namin.
Ang layo ng environment ng school na ito sa ine-expect ko.
Grupo-grupo ang mga tao dito. Hindi ito katulad sa dati kong school na isang grupo lang kami. Ganoon kami ka-solid.
Wala akong idea na may standards pala na sinusundan kapag sumali ka sa isa sa grupo nila.
Pakiramdam ko tuloy isa akong ugly duckling with an average brain at lahat ng mga taong nakapaligid sa akin dito ay mga genius gorgeous sophisticated swans or GGSS.
Akala ko magkakahanap ako ng ilang kaibigan dito sa loob ng classroom noong first day of school lalo na at pinractice ko pa noon sa salamin ang mga sasabihin ko sa introduction day. Pero nagkamali yata ang school registrar nang ilagay niya ang pangalan ko sa Class A. Dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ako katalinuhan.
Ang class A ang star section ng buong year level.
Bakit ba kasi ako nandito?
Well, as classmates; okay naman sila. Napaka-reliable nila na sa sobrang taas ng expectation ng teachers namin ay hindi ako maka-catch up sa kanila.
Sa totoo lang, mabait pa ang teacher kapag tatlong beses niyang tinuro sa amin ang discussion sa isang meeting lang.
Pero dahil at nasa star section ako, kapag tinanong ng teacher na, "Any questions?" gusto ko mang magtaas ng kamay pero pinapangunahan ako ng hiya dahil majority ng buong klase ay walang nagtangkang magtanong dahil nga-- matatalino sila.
Naalala ko pa noong nag-quiz, ako lang ang hindi pinalad sa score na nakuha ko. Tapos yung mga kaklase ko, sobra na yung tatlo ang mali sa quiz. Sobra talaga akong nahihiya sa tuwing nagkakasolian ng 1/4 paper. Siguro doon ako nag sta-stand out, sa pagiging lowest sa buong klase.
Sinubukan ko rin namang makipagkaibigan sa kanila, as in.
Pero kahit hindi nila sabihin, ramdam ko na hindi nila ako gusto. Hindi ko lang mapaliwanag kung bakit or baka tamang hinala lang ako. Ang layo ng realidad ko sa inaasahan kong imahe ng magiging buhay ko dito sa school na ito.
Akala ko madali lang ang makipagsabayan sa kanila.
Kung titingnan ko ang sarili ko sa salamin, sino ba naman ako?
Ang kababaihan dito sa classroom, ang gaganda at ang papayat nila. Ako lang ata ang chubby dito. Narinig ko pa ngang sabi ng ilang boys na ako raw si newbie Ms. 16.
Noong una tinama ko pa sila kasi hindi naman ako 16 years old. Tapos kinalaunan, ako pa pala ang mali dahil ang ibig sabihin pala no'n ay ang size ko bilang babae. Size 16 daw ako. Samantalang ang sizes ng mga babaeng classmates ko ay hindi lalampas ng size 14.
Nakakababa ng confidence.
Pero kailangan kong pumasok sa araw-araw. Nakakahiya naman kung hindi lalo na at si Papa ang nagpapaaral sa akin dito. Ang mahal ng tuition dito tapos wawaldasin ko lang.
Sinubukan kong mag diet para naman kahit papano, pasok ako sa sinasabi nilang size 14. Inayos ko ang pananamit ko at ang itsura ko, pero hindi pa rin sapat iyon para magkaroon ako ng masasabi kong group of friends.
Sinubukan ko ring mag-aral nang mabuti para kahit papaano naman makapasa ako, ngunit 'pasang-awa' lang talaga ang kaya ko. Alam ko naman na iba ang learning curve ko sa mga kaklase ko, pero dahil sa suki na ako ng pagiging lowest sa amin, hindi ko mapigilang ikumpara ang sarili ko sa mga classmates ko.
BINABASA MO ANG
The Spectrum of LIFE
Teen Fiction[A TAGLISH SLICE OF LIFE NOVEL] 'L.I.F.E. is a mess, but it is a masterpiece.' The Naive Transfer Student. A Misunderstood Outcast. The Selfish Princess. A Blind Prince. The Cunning Singer. A Witty Dreamer. The Protective Sister. An Ace Player...