THIRTY

285 58 90
                                    

[ACT 20 - PART B | RESOLUTION]

"Mr. Mendez, Ms. Madison." binuksan na ng Principal ang pintuan niya at pinapasok kami. Umupo naman kami sa magkabilang upuan at ganun din si Mrs. Sevelleno, "I know that you two didn't do it." Derecho niyang sabi na siyang ikinagulat namin.

Tiningnan ko si Laurenz pero parang hindi naman siya nagulat sa kanyang nalaman o baka naman wala talaga siyang pakialam.

Sumandal si Mrs. Sevelleno sa kanyang rounded swivel chair at ipinatong ang magkabilang braso sa armrest nito, "But since the evidence is clearly in your hands. I still have to give you a proper punishment."

"Hindi ko po maintindihan," hindi ko maiwasang itanong, "Paano po namin mapapatunayan na hindi po kami nagkasala?"

"You have to take an exam, here in my office." sagot ni Mrs. Sevelleno sa akin. "By then and only then, I could give a fair judgement. Consider it as a light punishment." her voice is filled with authority. "Wala naman sigurong problema doon, hindi ba?"

"Wala naman po Ma'm." tanging sagot ko.

"How about you Mr. Mendez?" napatingin ako sa gawi kung nasaan si Laurenz na tinanong ni Mrs. Sevelleno.

"If you believe na wala kaming kinalaman dito, how are you sure that you will catch who's behind it?" tanong ni Laurenz sa Principal.

Kaagad naman bumalik ang tingin ko kay Mrs. Sevelleno at nakita kung paano nabuo ang matipid na ngiti sa labi niya.

"Let's say that, I have eyes everywhere and I know what is true and not. After you take your exams here, I'll have someone check it right here and then. She leans forward and looks at me and Laurenz with those assertive eyes, "Before this school year ends, the real person behind this will be expelled. I guarantee you that."

Sa totoo lang nakakatakot si Mrs. Sevelleno ngayon, ibang iba ang presensya niya ngayon kesa noong kinausap siya ni Mommy noong nag-enroll kami ng kapatid ko dito.

"So, meet me here after lunch. You can take your break at the moment and be back here if you want to take your finals." tinaguhan namin si Mrs. Sevelleno bilang tugon at agad din kaming tumayo ni Laurenz.

Lumabas na kami ng Principal's Office at napansin ko na may bakas ng pag-aalala sa mga mata niya. Gustuhin ko man siya tanungin pero hindi ko naman mawari kung sasagutin niya ako ng maayos, kaya huwag na lang.

Kinuha niya ang bag niya at napansing nakatingin ako sa kanya habang nakabukas ang pintuan ng Principal's Office.

"Anong plano mo? Maghintay dito?" bumalik na naman ang suplado niyang boses. Kinuha ko na rin ang bag ko at sinabayan siyang lumabas ng Principal's Office. "May time pa para magreview." sambit ni Laurenz at huminga ng malalim, "Tara, sa may open field tayo para malapit sa canteen."

"Ayaw mo sa rooftop?" nagugulughang tanong ko, kasi usually kasi doon siya natambay.

"Sarado na ang rooftop, next year na ulit iyon mabubuksan," tiningnan niya ako ng nakakaloko pero agad din siyang umiwas ng tingin, "Tara na at bumili muna tayo ng pagkain para naman may laman yang utak mo." pinindot pindot niya ang ulo ko at nauna na sa akin.

Tulad ng nakagawian, talaga namang isinaksak ni Laurenz ang lesson sa utak ko at nakarinig ng ilang lait para lang matauhan ako. Hindi pa rin talaga siya nagsasawa pangaralan ako. Hindi ko alam kung bakit effective ang paraan niya para turuan ako. Nahihiwagaan na lang talaga ako sa sarili ko.

Pagkatapos ng lunch ay dumiretso na kami agad sa Principal's Office tulad ng napagkasunduan. Ayoko rin naman bumagsak kaya kung magkakaroon man ako ng grade para sa finals, mas gugustuhin ko na lang na ibigay ang lahat kaysa maakusahan ako ng cheating na hindi ko naman talaga ginawa.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon