E I G H T E E N

251 83 175
                                    

[ACT 14.5 | WOUNDED MEMORIES]

"Wala akong nilalandi at inaagaw sa'yo Chloe." aniya sa kaibigan niya na nagpipigil na namang umiyak, "Dahil sa tala ng buhay ko, iyon ang ayoko mangyari sa akin o sa ibang babae." akala ko doon na nagtatapos ang gusto niyang sabihin kay Monique, ngunit hindi ko inaasahang bibitawan niya ang mga salitang: "Dahil galit ako sa mga taong nakikiapid." may diin ang pangalawa at huling salita na dahilan para tumigil ako sa paglapit sa kanya.

Alam ba niya ang sinasabi niya?

Ganito ba siya katanga?

Malinaw ko namang sinabi na hindi ko girlfriend si Monique.

Hindi ba niya narinig ang sinabi ko kanina?

Mapait akong napalunok nang maalala ko kung gaano ko kinamumuhian ang sarili ko sa isang katotohanan na hindi ko na mabubura sa pagkatao ko.

Ang kahihiyan na- Bakit ko nga ba nakalimutan ang bagay na iyon?

Lumapit si Monique sa tabi ni Sarah at kinumpronta siya, "Help me understand you Sarah, bago ko i-consider ang loyalty mo sa friendship natin."

"I know my place," paninigurado ni Sarah sa harapan ni Monique, "Hangga't maaari, ayoko ma-involve sa kung anong meron sa inyong dalawa." aniya at huminga ng malalim, "I've been through hell today and ayoko na muna madagdagan ang dinadala ko." she added as if she's unloading every weight of her emotions in front of us.

"Hindi ko na napigilan pang umiyak kanina." she reasoned with Monique, "Nagkataon na nakasalubong ko si Laurenz." panandalian niya akong tiningnan ngunit agad din niyang binalikan ng tingin si Monique, "Nagmamalasakit lang yung tao sa akin Chloe." paliwanag niya sa kaibigan ngunit hindi pa rin maalis kay Monique ang pagkairita.

"What about the one that I just saw earlier, ano iyon?" tanong ni Monique pabalik kay Sarah at tiningnan ako na parang may kasalanan ako sa kanya.

Kung tutuusin, hindi ko rin alam sa sarili ko kung ano iyon. Hindi ko naman inaasahan na mapupunta kami sa ganoong sitwasyon, pero nangyari na ang nangyari.

Nang makita ko kung paano magtubig ang mga mata niya, lahat ng alinlangan ko biglang naglaho.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit gusto kong dalhin ang bigat na nararamdaman niya. Kaninang umaga pa siya parang wala sa sarili na minsan nakikitawa lang siya sa mga taong pinag-uusapan siya patalikod.

Hindi ko alam kung bakit pinabayaan ko siyang umiyak at itago siya sa braso ko para makahinga.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya para sumabog na lang siya ng ganoon kanina na para bang matagal tagal na niyang dinadala ang bigat na iyon sa dibdib niya.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sinalo ko ang luha niya noong akala niya ay hindi na siya iiyak pang muli.

Wala naman siyang halaga sa akin kung tutuusin. Kung hindi lang talaga siya tatanga tanga noon sa pagtakbo sa hagdan, hindi ko rin naman siya mapapansin.

Bwisit siya, dahil sa aksidente na iyon, ilang araw din akong hindi nakapaglaro ng soccer.

Nakakainis siya. Pero nang makita ko siya kanina... hindi ko alam kung bakit naalala ko sa mukha niya ang pag-iyak ng isang bata na tinalikuran ng lahat?

'Huwag mo akong iwan.'

Naalala ko ang pakiusap niyang iyon noong araw na iyon.

Pinilit ko ang sarili ko na huwag siyang pagtuunan ng pansin. Matagal nang nakasarado ang mundo ko sa ibang tao, pero sadyang naiinis lang ako sa pagmumukha niya sa tuwing nakikita ko siya.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon