ARC I | COMMENCEMENT

950 202 467
                                    

[COMMENCEMENT]

SABI ng teacher ko noong grade six pa ako, sa buhay daw may iba't-ibang klase ng tao kang makikita, makikilala, makakasalamuha at makakasama.

Binubuo ito ng isang salita na may apat na letra at ito ay ang salitang 'life'.

Ang L daw ay ang Love, ang I naman ay kumakatawan sa Infatuation, ang F naman ay sa Friendship at ang E ay naman ay ang salitang Exploitation; na sa pagkaka-explain ng teacher ko ay ang mga tao na gagamitin ka para sa pansariling nilang kapakanan.

Sa totoo lang, hindi ko naman inaasahan na may malalim na explanation doon sa apat na letra na iyon. Dahil sa buhay, lahat ng klase ng tao na iyon ay magiging parte raw ng buhay ng isang tao.

Dagdag pa niya, "'People don't meet anyone by accident.' Laging may dahilan ang mga bagay-bagay sa buhay ng bawat isa."

Ako at ang mga kaklase ko ay nakikinig lang sa usual na discussion ng teacher namin tungkol sa subject na ito na may apat na magkakaibang simbolismo o drawing na nakalagay sa textbooks namin.

How one treats a flower, symbolizes love.

How one holds on to a balloon, symbolizes infatuation.

How one finds a rare four leaf clover out of thousands, symbolizes how one finds true friendship.

And how one wears a series of masks everyday, symbolizes how people could wear a lot for their personal use.

Muli kong ibinalik ang mga mata ko sa teacher ko at nakinig sa kanya, "Ang emosyon ng isang tao ay nagsisilbing ispektrum sa buhay ng iba. Don't you agree class?" nakangiting aniya, "Doon natin makikita ang tunay na kulay nito na para bang isa ito sa kulay ng bahaghari." Kinumpas niya ang kanyang kamay na parang bumuo siya ng maliit na arko at nagpatuloy, "May kulay na babagay sa iyo, may iba rin namang hindi pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ito nakakaapekto sa ating pagkatao. Distance and time wouldn't keep people apart," nilapad niya ang kanyang palad sa kanyang kaliwang dibdib, "Because we're all connected to one another." our teacher paused with a smile and looked at us one by one.

"Matapos man ang grade school days ninyo, hindi naman dito nagtatapos ang nabuo nating samahan sa loob ng ilang taon. Masaya ako na maging parte ng buhay ninyo. Sa puso ng isang guro, wala akong hangad kundi ang mapabuti kayo at sana sa pagtungtong ninyo ng high school; sana lahat ng tinuro namin sa inyo ay magamit ninyo." payo niya sa amin, nginitian kami at bumanat, "Alam ko yung iba dito, maiiyak kasi magkaka hiwahiwalay na sila."

Kusa akong napatingin sa bestfriend ko at ganoon din sya sa akin dahil lilipad na siya patungong Europa kasama ng mommy niya at doon na rin siya mag hi-high school. Nalulungkot ako, pero ika nga ni teacher, 'Time and distance wouldn't keep people apart.'

"Pero class tuloy lang ang buhay ha," our teacher added, "Ano man ang mangyari magpatuloy lang kayo. Kapag nadapa kayo o napagod kayo, magpahinga muna kayo saglit tapos, ituloy niyo lang ang buhay." napatingin ang teacher namin sa hilera kung saan ako nakaup at ngumiti, "Remember, there's always a rainbow after the rain."

Iyon ang lesson sa school na hinding hindi ko makakalimutan. Isa ang lecture na iyon na dadalhin ko sa puso ko dahil na rin sa kung paano ko naramdaman ang sinseridad ng teacher namin sa amin, hindi lang dahil sa siya rin ang advisory teacher namin; kundi para na rin namin siyang pangalawang magulang sa school kung saan araw-araw kaming nagkikita.

Dumaan ang ilang buwan na parang isang kisapmata hanggang sa ang dating school uniform ko ay pinatungan na ng puting toga dahil magtatapos na ako ng grade six. Nandoon na ang mga nagka-iyakan, nag yakapan na magkaibigan at mga magkakaklaseng nagpaalam na sa isa't-isa pagkatapos ng program.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon