[ACT 17.5 | LOST PUPPY]
PARA AKONG NANALO nang makita ko kung paano ko nasira ang araw ni Biik.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tawanan siya dahil mas lalo siyang naiinis kapag tinatawanan ko siya. At least masaya ang araw ko dahil badtrip na siya.
Siguro ang sama ko lang talaga para iyon ang gawin kong happy pill sa araw-araw, ang inisin siya Sarah-biik Madison.
Natapos na ang announcements at iritableng nauna na si Sarah sa akin. Kamukha na niya si Stitch. Sa bagay alien din naman si Stitch na nagpanggap na aso. Bagay nga yung damit niya sa kanya, kasi siya nagpapanggap na tao kahit pa biik siya na na-promote bilang aso ko.
Nakakatawang asarin ang taong pikon, lalo na kung hindi niya maitago na naiinis na siya dahil magkasalubong na ang kilay niyang manipis. Sa araw-araw kong pang-iinis kay Sarah, isa lang ang natutunan ko tungkol sa kanya; siya yung taong hindi marunong magsinungaling.
Oo at maaaring madalas niyang kinikimkim ang ibang pang-iinsulto ko sa kanya, pero kahit naman pa paano ay natuto na siyang sumagot kahit pa minsan ikinaiinis ko ang pagsagot sagot niyang 'yon.
Sa totoo lang, walang boring na araw simula nang maging aso ko siya. Oo at pikon ako sa kanya minsan, pero mas pikon siya sa akin.
Matagal tagal na rin na'ng naramdaman ko ito sa isang tao. Para akong bumalik sa pagkabata na walang iniisip kundi ang mangulit, mantrip at makipag-asaran sa kapwa ko bata noon.
Isip-bata naman kasi si Sarah, kaya siguro normal lang na maramdaman ko 'to.
Parang nga siyang naliligaw na tuta na kailangan pang alagaan. Ganoon kaliit ang utak niya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag narinig niya iyon mula sa akin? Maaasar na naman tiyak 'yon.
May bago na akong pang-asar sa kanya. Heh!
Sa totoo lang naalala ko kay Sarah yung alagang kong Pug na regalo sa akin dati ng anak ng Ninong ko noong bata pa ako.
Maliit, mataba at pango rin 'yon tulad ni Sarah. Natatawa akong balikan ang sandali ng maalala ko kung paano siya naasar nong sinabi ko sa kanya 'yon.
Pikon si Biik.
Iyon na rin siguro ang huling beses akong nag-alaga ng hayop. Nagtagal naman sa akin ang aso kong 'yon. Ngunit dahil na rin sa maselan ang naging kalusugan niya, hindi rin siya nagtagal sa akin. Gustuhin ko man ipagamot ang alaga kong 'yon, pero tutol naman si Mama. Hindi na ako kailanman nag-alaga ng aso o ng ano mang hayop pagkatapos no'n.
Siguro mas mabuti na rin 'to. Busy na rin naman ako sa school at saka hindi ko na rin afford pa na magkaroon ng dagdag na palamunin sa condo.
Magmula kasi ng bumukod ako, pinutol na ng mga tao mula sa bahay ang koneksyon at responsibilidad nila sa akin.
Pwera kay Dad.
Kahit pa tanggihan ko ang tulong niya financially, tinutulungan niya pa rin ako sa abot ng makakaya niya at pinangakong hanggang sa makapagtapos ako ng highschool susuportahan niya ako.
Hindi ko pa sigurado kung may plano siya sa akin for college. Eh ano ba naman ang karapatan ko humiling pa? Ika nga ni Mama, sampid lang ako sa bahay nila at wala akong karapatan humiling ng kahit ano mula sa kanila ng hindi niya alam.
Sabi naman ni Dad, siya na ang bahala kumausap kay Mama at huwag na ako mag-alala pa. Ayoko naman na mag-away na naman sila mag-asawa nang dahil sa akin.
Kung tutuusin, wala naman akong naalala na binigyan ko ng sakit ng ulo ang mga magulang ko; lalo na si Mama. Ginawa ko naman ang lahat para makuha ang approval niya, pero mahirap hingiin sa tao ang hindi nila kaya ibigay sa iyo.
BINABASA MO ANG
The Spectrum of LIFE
Dla nastolatków[A TAGLISH SLICE OF LIFE NOVEL] 'L.I.F.E. is a mess, but it is a masterpiece.' The Naive Transfer Student. A Misunderstood Outcast. The Selfish Princess. A Blind Prince. The Cunning Singer. A Witty Dreamer. The Protective Sister. An Ace Player...