SEVEN

317 126 197
                                    

[ACT 7 | A GOOD COMPANY]

MALAMIG.

Kanina pa nilalamig ang mga hita ko.

Dahil ba ito sa lamig ng aircon o--

Hindi ako mapakali.

After ng third period may thirty-minutes break kami. Dali-dali akong dumaan ng comfort-room at tiningnan yung kalagayan ng palda ko para lamigin ng ganoon ang hita ko.

Siguro naubos na ang swerte ko sa araw na ito dahil hindi ko namalayan na nabutas pala ang palda ko mula sa pagkakasabit nito sa upuan kanina. Napalakas ata ang pagkakahila nito sa sumabit na pako.

Kainis naman!

Hay, kasalanan ko naman ito eh.

Ang burara mo talaga Sarah, to think na first year highschool ka na. Kung umasta ka para kang nasa gradeschool pa rin.

Sinermonan ko na lang ang sarili ko dahil ganito rin tiyak ang sasabihin sa akin ni Mommy kapag nakita niya ito.

Napabuntong hininga na lang talaga ako nang may kumatok sa labas ng cubicle ko.

"Sarah," boses ni Chloe, "Sarah, nandito ka ba?" alanganing tanong niya na parang nakikiramdam sa akin.

Teka, bakit siya nandito?

"Oo nandito ako." matpid na sagot ko sa kanya.

"I'm just worried, okay ka lang ba?" halata rin sa boses niya na nag-aalala siya sa akin, "Yung palda mo, okay lang ba?"

"Ah, oo. Okay lang ako, don't worry." nagsisinungaling ako. Hindi rin naman niya mahahalata iyon.

I just don't want to be a bother to her as much as possible.

"Sige nga, lumabas ka nga mula riyan." aniya na para bang dine-dare niya ako ngunit bakas pa rin ang alinlangan sa kanyang boses.

Pagbukas ko ng pinto, bumati sa akin ang maaraw na nakangiting mukha ni Chloe. "Oh, nandito na ako," ani ko na ngitian siya. Inoobserbahan niya ang palda ko at para hindi na lang siya mag-alala, umikot-ikot ako, "Sabi ko naman sa iyo, okay lang ako eh." nagulat ako nang bigla niya ako pinigilan mag likot-likot at hinawakan sa braso.

"Ang laki ng hiwa ng palda mo, bakit nagsinungaling ka sa akin?" tila nagkaroon ng tuwid na linya sa labi ni Chloe.

"Ang totoo niyan kasi, ngayon ko lang din talaga napansin." pabiro kong inumpog ang ulo ko gamit ang kamao ko para hindi na lang siya mag-alala. Kasalanan ko rin naman kasi, "Itatago ko na lang ito."

Umiling si Chloe na hindi sumasangayon sa plano ko at malalim na huminga, "Hindi tayo lalabas dito nang hindi naaayos 'yan." aniya, "I came prepared." Nilabas niya mula sa pouch niya ang isang compact sewing kit. "Halika, doon tayo sa dulong cubicle, para maluwag."

Nang makapasok na kami sa loob ng cubicle, pinahubad niya sa akin ang palda ko. Dahil parehas din naman kaming babae, pansamantala kong inalis ko ang hiya ko sa sarili ko kahit na nakikita niya ang taba ng hita ko.

"Ako na lang ang magtatahi ng palda ko." pagkumbinsi ko sa kanya para na lang mabawasan pa ng fifty percent ang hiya ko.

"I insist." aniya na parang nakakatanda kong kapatid at pinabayaan siya sa gusto niyang gawin sa palda ko.

Ilang minuto rin kaming nagkaroon ng katahimikan na dahilan para mas maobserbahan ko pa siya sa malapitan. Maganda pa rin siya kahit na may konting butil ng pawis na namumuo sa sentido niya na focus na focused sa palda ko na tinatahi niya.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon