TEN

264 110 183
                                    

[ACT 10 | YOU'VE BEEN UNFRIENDED]

HINDI KO alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito, pero habang pinapakinggan ko si Maxene magkwento ng tungkol sa kabataan namin, parang may nagpaalala sa akin kung sino ako dati.

Nakakatuwa dahil kahit matagal kaming nagkahiwalay, nasa kanya pa rin ang mga alaalang iyon na hanggang ngayon dala-dala pa rin niya.

"Totoo nga kasi Max ang laki ng pinagbago mo, dati ikaw yung tabaching-ching sa atin." natatawang banat ko sa kanya. Kaya rin siguro hindi ko siya namukhaan agad kanina.

Magkasama kami sa mall ngayon. Lima o anim kilometro ang layo mula sa school. Sa totoo lang hindi ko alam na may mall malapit sa school kasi out of way ito pauwi sa amin. Halatang gala itong babaeng ito. Well may pera naman siya kaya why not?

"Well kung Mommy mo ang Mommy ko, baka ganito ka rin kapayat." aniya habang nakain ng seafood pasta, all meat cheese crust pizza at fries.

Bigla kong naalala yung araw na nagpabili sa akin ng pagkain si Chloe sa cafeteria.

"Teka, sure ka ba na yan lahat ang kakainin mo?" naalala kong nabanggit ni Max na strict ang Mommy niya sa diet niya, "Mga nakakataba yan ah?" bigla kong ring naalala ang sinabi ni Chloe noon.

Nakakataba ang carbs.

"Don't worry," sagot niya sa akin habang nanguya, "Pagkauwi ko ng bahay ilalabas ko rin naman lahat ito." she says almost in a whisper with a playful smile.

"Kadiri Max! Nasa kainan tayo." saway ko sa kanya, 'Tong babaeng ito naman talaga parang walang pakialam sa paligid niya.

Tinawanan niya lang ako at patuloy sa pagkain niya sa nakahandang pagkain sa lamesa namin.

"Sinabi ko naman sayo na I'll pay. Just order what you want." paalala sa akin ni Maxene.

"Eh, wala talaga akong mapili kasi." tanging sagot ko sa kanya, though ang totoo nahihiya ako magpalibre, kung may extra ako edi sana kanina ko pa siya sinabayan.

Gets ko na ang feeling ni Kenzo ngayon. Hay.

"Hay nako, naman." kinuha sa akin ni Maxene ang menu at agad tinawag ang waiter. Tinuro niya lang gamit ng daliri niya yung mga inorder niyang pagkain.

"Bakit pala kailangan naka salamin at cap ka sa loob ng mall?" hindi ko maiwasang itanong sa kanya. Ni hindi naman malabo ang mga mata niya. Dinaig pa niya si Harry Potter sa salamin niya na sobrang bilog.

"Disguise ko yan," binaba niya ng bahagya ang shades niya, "Effective noh?" aniya at palarong kinindatan ako.

Baliw talaga.

Nakapalumbaba ako sa lamesa at nginitian siya, "Nakakainis na mas matanda ako sa iyo ng isang taon at dati magkasing level lang tayo, pero ngayon third year ka na. Napag-iwanan na ata ako." pabiro kong banat at nag pout sa harapan niya.

Napailing lang siya ng nakangiti sa akin at patuloy sa pagkain, "Tapos ang dami mo na ring achievements. Model and acting, to think ang bata-bata mo pa." I just couldn't help to be amazed of what she has become at a very young age.

Napansin kong napatigil siya sa pagkain at tiningnan ako sa mata, "I can't say achievements iyon Sarah," panimula niya ng nakangiti sa akin, pero nandoon ang kalungkutan sa mga mata niya, "Kasi hindi ko naman pangarap iyon."

She blinked and look at her side of the table. "For sure, naglaro na rin sa isipan mo na: 'every girl would be jealous of me'. Na 'nasa akin na ang lahat' pero inaayawan ko." she paused facing me with complete honesty,"I really can't blame you if you think that way too. But just to be honest, I envy you too."

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon