[THIRTY ONE]
S T E P H A N I E
Sabi ng ng tatay ko, 'Ang katalinuhan ng isang tao ay walang silbi, kung hindi naman siya marunong makipagkapwa tao.'
Parati niya sa amin pinapaalala ng kapatid ko na laging piliin maging mabuting tao dahil ayon nga rin sa sikat na sikat na golden rule: 'Do unto others as you would have them do unto you.'
But growing up I can't help to ask myself, how can I be kind to those people who can't even respect me for who I am?
Maybe I'm just being egoistic and this version of me helps me to sort out people between who is genuine and who is fake.
Lumaki ako sa ordinaryong pamilya; hindi kami mahirap, hindi rin naman kami mayaman.
Pero nakasanayan na kami ang takbuhan ng mga nakakakilala sa amin dahil na rin sa kilala si tatay sa pagiging galante niya sa tao.
Kulang na lang tumakbo siya sa politika; pero sabi ni Tatay, hindi naman niya kailangan magkaroon ng pusisyon para tumulong sa kapwa. Sadyang alam lang niya kung paano maghirap sa buhay kaya hangga't nakakatulong siya, tutulong siya.
Maldita lang talaga siguro akong tunay, pero sa puso ko, iniidolo ko si Tatay.
Lumaki si tatay sa mahirap na pamilya, at tulad ko siya ang panganay na anak sa kanila. Ang kuya ng lahat.
Masasabi na sa murang edad, madiskarteng tunay si tatay. Matalino rin siya at masasabi ko rin na habulin siya ng babae kahit papaano, dahil na rin sa natural niyang tikas at kabutihang tao.
Ngunit sa sobrang determinado niya makaahon sa hirap, mas inuna niya ang responsibilidad niya bilang anak sa kanyang pamilya.
Siya ang tumayong padre de pamilya at nagsumikap si tatay para lang maitaguyod ang anim niyang mga kapatid para makatungtong ng kolehiyo, kahit pa yung iba niyang kapatid ay hindi na ninais pang makapagtapos ng pag-aaral; at least sa parte na iyon ng buhay nila naging kuya si tatay sa kanila.
Nang makaluwagluwag si tatay ang sunod naman niyang ginawa ay ang yayain si nanay maging asawa niya. First love ni Tatay si Nanay at matagal tagal din ang panahon na hinintay nila para sa tamang pagkakataon na magsama silang dalawa.
Kasama ng binuo nilang pangarap ay ako bilang panganay nilang anak.
Sa lahat ng magkakapatid si Tatay lang ang nakapagtapos, kaya siya lang ang may maayos na trabaho sa kanila.
Si Nanay naman nakapagtapos ng Nursing pero dahil sa mas gusto ni Tatay na magfocus si Nanay sa akin, tumigil muna siya sa pagtatrabaho at inalagaan ako ng mga anim hanggang pitong taon.
My life maybe ordinary, but I am happy. That's all what matters.
Dahil na rin sa nakakaluwag kami sa buhay at wala pa akong alam noon, natutuwa ako sa tuwing dinadalaw ako ng mga tiyuhin at tiyahin ko sa side ni Tatay.
Mas masaya pa na kasama nila ang mga pinsan ko. Minsan magulo kasi maraming bata, pero masaya. Iyon naman ang importante sa mga bata dati, ang makapaglaro at magsaya kasama ng ilang mga batang kasing edad nila.
I am who I am because of my roots. I'm proud to be the person I am and all thanks to my parents.
May pagkakataon pa dati na sina Lolo at Lola noon, kulang na lang ay tumira sa bahay namin. Kahit may kaliitan ang bahay namin at least sama-sama kami.
BINABASA MO ANG
The Spectrum of LIFE
Teen Fiction[A TAGLISH SLICE OF LIFE NOVEL] 'L.I.F.E. is a mess, but it is a masterpiece.' The Naive Transfer Student. A Misunderstood Outcast. The Selfish Princess. A Blind Prince. The Cunning Singer. A Witty Dreamer. The Protective Sister. An Ace Player...