[ACT19 | MARRIAGE BOOTH]
"It's now or never Sarah, make it happen," muling paalala sa akin ni Chloe kanina sa classroom, para ngang mas excited pa siya kaysa sa akin. Hindi ko alam kung paano niya ako tutulungan, pero sabi niya mas maganda na surprise na lang daw para hindi na iyon makadagdag sa iniisip ko, "Magfocus ka kung paano mo sasabihin sa kanya ang feelings mo." dagdag pa niya habang kinukundisyon ko ang kabang nararamdaman ko.
Sa totoo lang, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. First time ko 'tong gagawin at oo naman, worth it naman sabihin kay Kenzo yung feelings ko. Ilang buwan din ako nag-ipon ng lakas ng loob para sa araw na ito.
Bakit ba sa anime ang dali lang gawin? Tapos mga babae pa ang nag-fi-first move? Bakit in real life, ang hirap?
Dinala ako ng mga paa ko sa may stage na sinet-up sa soccer field. Nakakatuwa dahil ang daming mga tao ngayon kumpara sa nakasanayan at buhay na buhay ang kapaligiran ng school.
Napansin ko yung mga ibang estudyante na galing pa sa ibang school na naka-uniform. Mukhang dumayo pa sila dito para panoorin ang banda na hindi ko naman akalain na ganito ka-sikat, ang banda ng SynChrome.
Napatingin ako sa stage at nakita ko si Pierre na nasa may tabi ni Travis na inaayos ang electric guitar niya. Siguro siya yung lead guitarist ng banda. Si Travis kasi ang naka pusisyon sa may vocals, though may hawak din siyang gitara at inayos ang microphone na nasa gitna ng stage. Yung dalawang lalaki na hindi ko pa kilala ay nasa drums at bass.
Nagsimulang mag-strum si Travis ng gitara at lumapit sa mic, "Salamat po sa pagpunta ninyo dito sa School Festival namin, kami ang SynChrome, sana po magustuhan ninyo."
Nagtilian ang karamihan sa mga babae, though may mga lalaki din naman silang fans. Sige nga pagbigyan natin, gaano sila kagaling para dumugin ng mga tao?
Nagsimula sa instrumentals ang intro ng kantang aawitin nila at nasundan na iyon nang hindi ko inaasahang boses ni Travis na naging dahilan para tumindig ang balahibo ko sa ganda ng boses niya. Kung tutuusin, lahat sila may hitsura kung siguro hindi ko lang nakilala agad sila Travis at Pierre noon, baka naging fan din nila ako.
"Oh my God!" ani ng babae sa tabi ko na parang nag-sparkle ang mga mata, "He's so cool!" Hindi ko napigilan ang mapangiti sa kumento niya dahil tama rin naman siya, aaminin ko na lang na kahanga hanga nga sila. Mukhang taga ibang school din si blondie dahil nakita ko ang patch ng uniform niya na nasa kaliwang bahagi ng dibdib niya. Mukha siyang foreigner. Nakangiting tiningnan niya ako at tinanong, "What's his name?" tinuro niya si Travis na nasa gitna ng stage.
Naguguluhan kong itinuro ang sarili ko dahil baka namamalikmata lang ako na ako ang kinakausap niya. She just smiles and gives me a friendly nod, "Uhmm...Travis Hayes." sagot ko sa kanya, kung tama nga ang pagkaka alala ko sa buong pangalan ni Travis.
Ngayon na pinagmamasdan ko siya at ang mga kabanda niya, talaga nga namang ibang-iba siya humarap sa maraming tao kumpara sa unang beses ko silang nakilala. He sings humbly that I almost forgot how conceited he is.
BINABASA MO ANG
The Spectrum of LIFE
Teen Fiction[A TAGLISH SLICE OF LIFE NOVEL] 'L.I.F.E. is a mess, but it is a masterpiece.' The Naive Transfer Student. A Misunderstood Outcast. The Selfish Princess. A Blind Prince. The Cunning Singer. A Witty Dreamer. The Protective Sister. An Ace Player...