FIFTEEN

229 84 176
                                    

[ACT 13 | UNFAMILIAR REFLECTION]

MGA ILANG araw na rin ang nakalipas nang natigil ang routine namin ni Kenzo na magsabay sa pagpasok sa school.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero hindi lang iyon ang pagbabagong napansin ko, dahil bigla ring nagbago ang ihip ng hangin sa campus sa hindi ko maipaliwanag na dahilan o sadyang ang slow ko lang mapuna ang bago sa hindi. Dati kasi wala namang ilangan na nangyayari sa pagitan ko at sa ibang sections, lalo na sa mga taga lower sections.

Hindi ko alam kung bakit ilag sila sa akin, miski kapag nakikita ko ang ilan sa kanila sa locker area. Wala naman akong natatandaang nakaalitan ko sa ibang section, pero bakit naman ganoon?

O baka nagpapaka-OA lang ako sa paligid ko?

Pero nang minsan bumisita ako sa classroom ni Kenzo kanina bago mag simula ang klase, ni isang tao walang pumansin sa akin. Wala naman akong mapagtanungan at dinaig ko pa ata ang hangin para hindi nila pansinin. Sinilip ko rin naman kung nasa loob siya pero ni anino niya, hindi ko makita.

Ngayon at lunch break na sinubukan ko ring magtanong tanong sa mga ilang stalls kasi kilala si Kenzo doon, pero sabi naman nila sa akin hindi pa ulit natulong si Kenzo sa kanila.

Hinanap ko siya sa usual namin na tagpuan, pero wala rin siya roon. Hindi lang talaga ako mapalagay kasi biglaan na lang na hindi siya nagparamdam.

Nasaan na ba siya?

Tinataguan niya ba ako?

Wala naman siyang utang sa akin--though scratch that part Sarah. Who are you even kidding? Sa sobrang ma-pride ni Kenzo, hinding hindi siya magtatago ng dahil lang sa utang.

Sa katunayan pa nga siya yung taong gagawin ang lahat huwag para mabayaran ang utang niya sa iyo, either by cash or by favor.

Hangga't maaari nga, allergic si Kenzo sa utang.

Saan ko kaya makikita ang taong iyon? Hay.

"Sarah!" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Si Chloe. "Tara kain na tayo." yaya niya sa akin.

"Okay lang ba kina Addy na makisabay ako ulit sa inyo?" hindi ko na napigilan tanungin si Chloe tungkol doon. Dumating na rin kasi ako sa point na nakakaramdam na ako ng hiya kapag kasama siya. Well, ever since naman pakiramdam ko hindi naman ako gustong kasama ni Addy. To think na kaibigan ni Chloe ang mga 'yon.

I see her puffing her face, "Now, what makes you say that?" nakangiting aniya at inalog-alog ang braso ko, "Sabay na tayong kumain, please. Nagtatampo ka pa rin ba sa amin?" tanong niya na may halong paglalambing.

"Hindi naman." I mean bakit ako magtatampo? "Kasi, si Addy--" bago ko pa man madugtungan yung sasabihin ko ay agad na rin niya akong tinawanan na para bang nagsasabi ako sa kanya ng joke.

"Ikaw talaga, hindi ka na nasanay doon kay Addy. Ganoon lang talaga 'yon." ani Chloe, "Upo ka na dito." nakangiting panghihikayat niya na sinunod ko na lang.

Bakit parang pati kay Chloe may nagbago?

Hindi ko lang masabi kung ano, pero siguro factor na ang blooming niya ngayon pagmasdan, "Hindi ba napag-usapan na natin na after ng event, hindi na ako busy. So we can hang-out like we used to." paalala niya sa akin.

"Naalala ko nga iyon." tanging sagot ko sa kanya na hindi maalis sa isipan ko kung bakit hindi nagpaparamdam sa akin si Kenzo.

"Is there something wrong?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Chloe na siyang dahilan para mapunta ulit sa kanya ang atensyon ko.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon