T W E N T Y - E I G H T

197 60 147
                                    

[ACT 19.5 | PLAY PRETEND]

MADAMI DAMI na rin ang tao nang makarating ako sa school. Nakagawian na every School Festival, bukas ang school sa lahat ng tao at walang classes.

Pwede rin namang mag suot ng civilian or uniform, malayang makakapagdesisyon ang estudyante dahil celebration naman ito sa school. Pero hinding hindi pwede mawala ang pagsusuot namin ng ID dahil iyon pa ang magsisilbing patunay na hindi ka bisita. Syempre limited pa rin sa mga bisita ang ibang lugar sa school, panigurado rin naman na may school marshals na in-assign si Stephen doon na miyembro rin ng Student Council.

Bumili muna ako saglit ng maiinom sa vending machine kaya naman nilabas ko ang wallet ko at kumuha ng cash.

Sa tuwing nakikita ko yung keychain ko, hindi ko alam kung bakit ba ikinatutuwa ko iyon.

Nakakahawa siguro ang pagiging mababaw niya.

Ilang buwan ko rin siyang iniwasan matapos ko malaman ang sinabi sa akin ni Travis noong araw na iyon.

Kung tutuusin bakit ba ako maniniwala sa kanya, lalo na at tinraydor niya ako dati?

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ikinatakot ko ang nalaman ko mula sa kanya dahil minsan na ring nabanggit ni Sarah ang tungkol doon. Gusto ko man alamin sa sarili ko kung ano ang totoo pero pinangungunahan naman ako ng matinding takot at hiya bago ko pa ito gawin.

As much as possible, I want to keep my distance from certain people I know that have the capability of hurting me in the long run. I won't just let anyone invade me.

Hindi ko na alam kung dapat ko pa ba pagkatiwalaan ang sarili ko sa tuwing mas napapalapit pa siya sa akin. Pero mas madalas napapatanong ako sa aking sarili; kung sakali ba na mas makilala niya ako, tatanggapin niya pa rin ba ako?

I know I kept my distance from her for a while, pero hindi pa rin nagbabago ang pagiging aso niya sa akin.

Aba syempre naman! Hindi ko naman kailangan na i-pamper ang alaga ko lagi, hindi ba Ayokong ma-spoil siya, ganoon na lang.

She needs to grow on her own. Natutuwa ako na may pagkakataon na kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa nang walang inaapakang tao. Hind ko maiwasang puriin siya sa utak ko sa tuwing nakakasagot na siyang ng pabalik sa mga taong umaalipusta sa kanya, tulad na lang nila Bryan at Jay. Konti pa.

Kaya lang may pagkakataon na para pa rin siyang tanga. Napapakamot na lang ako sa ulo sa tuwing binabalik balikan ko ang araw na hindi siya magka-ugaga kung ibibigay niya ba sa akin 'tong plushie pug keychain na ngayon ay nasa wallet ko na isinabit.

Walang sino mang nagregalo sa akin ng ganito ka-pangit na keychain. Kung tutuusin marami naman mas magandang keychain, plus afford ko naman.

Nakakainis.

Ang lakas maka bakla punyeta!

Ang pangit naman talaga eh.

Noong isang beses bumili ako ng ticket para sumakay ng tren pauwi may mga ibang babae na nakapuna yung keychain ko.

Takaw pansin masyado.

Wala naman sa personality ko ang magtago ng ganitong keychain.

Bwisit!

Bwisit!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon