TWENTY FIVE

180 67 135
                                    

[ACT 18 | MY SECRET OBSCURITY]

NAGPATULOY ang makulay na Sports Fest at masasabi ko naman na lahat ng tao ay talagang nagsaya sa nasabing event. Magulo at maligalig man, pero masaya.

Maliban na lang siguro sa mga taong sobrang competitive na hindi option ang maging runner up lang, tulad na lang ng mga classmates ko at ilang mga tao mula sa Class B at C.

Anyway, proud naman ako at na may na-contribute ako sa Sports Fest kahit papaano. Hindi ko lang sigurado kung chinicheer ba ako or pinagtatawanan ng classmates ko. At least mukha silang nag-eenjoy na makita ako bilang representative nila.

Panalo na naman kami sa relay, sadly may mas magaling nga lang sa amin. Lagi namang ganoon kaya tanggap ko rin naman.

Hindi ko nga inaasahan na makakasama ako sa third runner up. Hangga't alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat ng makakaya ko at nagsaya ako, kuntento na ako sa nakuha kong recognition.

Nanalo ang Class E sa Volleyball at hindi ko rin naman akalain din ace player pala ng section nila si Stephanie David.

Nasilip ko siyang maglaro sa covered court at talaga namang kapuna puna ang husay niyang maglaro ng volleyball. Nakakatakot lang yung isang beses na hinampas niya yung bola na sa sobrang lakas nito ay wala nang nagawa ang kabilang grupo para madepensahan yung court nila.

Spiker. Iyon ata ang tawag sa katulad ni Stephanie.

Hindi ko pa sigurado kung totoo ang narinig ko na siya ang next in line para maging team captain ng volleyball team sa susunod na taon. Sa totoo lang ang cool ni Stephanie tingnan. Hindi ko pa sigurado kung may mga nagkakagusto sa kanya, pero imposible namang wala dahil maganda at morena, tapos sporty pa at fit ang pangangatawan.

Suplada man siyang tingnan pero kalog din daw siyang kasama sabi ng mga classmates o kaibigan o team mates niya sa volleyball, sa totoo lang sa dami nila; hindi ko sigurado kung ano sila sa buhay ni Stephanie. Nakakatuwa lang marinig mula sa ibang tao kung ano ang tingin nila sa taong nakakasalamuha at nakakasama nila, ibang-iba kasi iyon kumpara sa sabi-sabi lang ng iba lalo kapag nauuna ang panghuhusga kaysa ang pagkilala nito sa tao.

Hindi naman din siguro totoo na tomboy siya tulad ng minsang narinig ko kina Addy. Mas kumportable lang siyang tingnan kasama ng mga babae niyang classmates. Hindi ko inaasahang mahuhuli ako ni Stephanie na pinagmamasdan siya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at hindi ko alam kung saan ko ililipat ang atensyon ko. Ang awkward mo talaga Sarah!

Baka nainis siya sa akin dahil matagal ko na rin siyang pinagmamasdan. Nakakahiya ka Sarah, kaya sinasabihan kang weirdo eh.

Naglakad na lang ako palayo sa covered court nang maaninag ko naman ang open court kung saan ongoing ang Basketball match ng third year level.

Napansin ko agad doon yung pinakatinitilian na player ay yung Crush ni Nadja na si Alex Sevelleno, ang MVP ng basketball team.

Oo at kung titingnan gwapo nga siya. Si Alex ang perfect fit para sa sinasabi nilang tall dark and handsome. Medyo chinito moreno na may pamatay na killer smile na galante niyang ipinapamagahi sa mga tao sa paligid niya. Napalitan din naman agad ng seryoso at determinado ang mukha ni Alex nang ipasa ng teammate niya ang bola sa kanya.

Miski si haring araw ata ay na-hype sa laro nila kaya binabasbasan niya ng liwanag si Alex mapunta sa kanya ang spotlight nang i-shoot niya yung bola at bago matapos ang oras ng game. Nanalo sila at muli kong narinig ang ingay sa kapaligiran na parang ang lahat ng nanood sa game ay nanalo rin. Malakas na palakpakan at hiyawan ang yumanig sa buong kapaligiran at nagkakamayan ang magkabilang teams bilang pagpapakita ng sportsmanship sa kapwa nila manlalaro.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon