- T I M E C A P S U L E -

1.1K 216 486
                                    

Dear ME,

Hello sa iyo, ang ako sampung taon mula ngayon.

Naalala mo pa ba ako? Kung hindi, alalahanin mo kung sino ka dati.

Anyway, how's your life?

Masaya ka naman ba?

Naalala mo pa ba ang mga pangarap mo sa buhay?

Tagumpay ba tayo? O malapit na tayo doon?

Sana naman oo.

Kasi hindi naman laro ito. Walang restart sa buhay natin, resume lang.

So, ano pa ba ang nagbago sa iyo?

Gumanda ka na ba?

Gwapo ka na ba?

Mahaba na ba ang buhok natin, nagpagupit o nagpakulay ka ba?

May boobs ka na ba o kulang pa rin?

May abs ka na ba o tabs pa rin?

Mas tumangkad ba tayo o retain lang ang height?

Sikat ka na ba?

Saan ka na ba nakatira ngayon?

May anak o asawa ka na ba?

Mayaman ka na ba o ayos ka na ang simpleng buhay para sa iyo?

Eh ang mga kaibigan natin, kamusta na ba sila?

Kaibigan mo pa rin ba sila tulad ng naging pangako ninyo sa isa't-isa, o dumaan lang sila sa buhay mo?

Sana naman hindi.

Anyway, hindi mo naman kailangan ng maraming kaibigan. Ang kailangan mo ay yung mga tunay at tapat sa iyo. Siguro naman iyon, naalala mo.

Napapangiti ba naman kita?

May naalala ka, 'no?

Lalo na yung kalokohan ng tropa dati:

Yung sleepovers, yung group reviews, yung projects, yung karaoke, yung truth or dare, yung sama-samang manood ng sine, yung biglang yaya mag summer getaway, yung camping, yung tamang tambay lang kung saan matripan, yung tamang jamming lang, pati na rin yung laglagan tuwing inuman at aminan ng feelings sa isa't-isa.

Nakakaloka, ano? Naalala mo pa ba iyon?

Eh mapunta tayo sa kanya, kamusta siya?

Nagtapat naman ba siya sa iyo? Kayo na ba?

Nag-assume ka lang ba or worse, pinaasa ka lang niya?

Nag kiss na ba kayo or more than that? I'm sure masyadong private ito, kaya huwag mo na lang sagutin.

Anyway, siya pa rin ba o may iba na siya?

Naapektuhan ka pa rin ba sa kanya?

Naka-move on ka na ba o may iba ka na rin?

Eh ikaw, sa atin, nagbago ka na ba o ikaw pa rin ang taong katulad ng dati?

Kung oo, masaya ako para sa'yo.

Kung hindi na, ano ang nangyari sa atin?

Marami ang pwedeng mangyari sa loob ng sampung taon. Pero sana, sana hindi ka pa bumibitaw.

May mga alaala man tayo na hindi maganda balikan sa buhay, sana hindi iyon maging dahilan para panghinaan ka ng loob. May good memories din naman tayo kahit papaano.

Huwag na huwag mong kakalimutan: hindi ka nag-iisa.

Ako na ikaw, umaasa na hindi ka bibitaw. Dahil kung bibitaw ka, ano na ang panghahawakan ko ten years from now?

Sana ten years from now, mas kilala mo na ang sarili mo.

Sana mas matapang na tayo.

Sana mas matalino na tayo.

Sana masaya ka na sa kung nasaan ka ngayon.

At sana, sana napatawad mo na ang sarili mo...

Ikaw na ako ten years from now, maging sino man tayo in the future, huwag mo sana ako kalimutan.

Kung makikita mo man itong sulat na ito; sana, kahit papaano... masaya pa rin tayo.

From Me,
A letter from you ten years ago.

From Me,A letter from you ten years ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's Note: KINDLY READ THIS.

I know this would be a challenge to my readers, but at least give me my fun for the suspense or surprise part/s.

I'll leave clues para hindi kayo malito kung kanino ang point of view ng isang chapter.

I'm not doing this to confuse you, I'm doing this for you to get to know the characters from their point of view without knowing who's point of view it is.

I won't say who's point of view is which, not until I finish the first arc.

I love you, to who is reading this right now.

I hope this would interest you and feel free to share this story as well.

The events in this story starts from way back year 2000, so respect pop culture. Mga batang 90s po ang characters dito sa librong ito.

Made it when I was in high school.

It's originally written in English mala-light novel ang peg with original character design.

Planned to make it a Manga, pero who knows? Maybe kapag sinipag?

I don't detail "specific places" much, it's a personal preference, to be honest.

Let's just say that, I wouldn't give too much detail from it because this story is close to my heart with a mix of fiction. But not to worry, I'll do my best for you to see everything from how it is described.

I stopped writing this for a meantime due to work and ngayon na lang ulit inupload ito from scratch. Dating English novel ito, yet I decided to write this in taglish since I'm a lil rusty.

Plus, first ever light novel ko ito na ilang beses ko ng pinublish at binura dito sa Wattpad.

Nakaka-ilang versions na rin kasi ito since then, but I'll leave the criticisms up to you dear readers.

Hope you support it.

Love lots,
🌸 Nanabells

PS.

The book contains long chapters and if the texts overwhelms you, feel free to adjust the font size in this app.

Isipin niyo na lang po na ebook ito kaya po hindi maluho si author sa double spaces.

Maraming salamat po ulit sa pagtangkilik sa akda kong ito. 😶‍🌫️

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon