FIVE

352 143 236
                                    

[ACT 5 | THREE TICKETS AND A SCHOLAR]

BAKIT MAHIRAP gumising ng maaga?

Madalas ko itong tanong sa sarili ko. Pero sino ang hindi magigising sa ingay ng katok ni Mommy sa pintuan ko?

"Sarah, aba bangon na." niyanig ng boses ni mommy ang panaginip ko kung saan kasama ako sa Sailor Guardians, "Naunahan ka pa ng kapatid mo bumangon. Baka ma-late ka sa school." gusto ko sana magrequest ng five minutes pa para man lang masaksihan ko kung paano namin matatalo si Queen Beryl, pero bago pa man ako makapag-request naunahan na ako ni Mommy, "Wag mo ako babanatan ng 'mamaya na,' mas nauna pa ako magising sayo sa ingay ng alarm mo, sino ba ang papasok sa atin sa school." ang aga-agang pagsusuplada ni Mommy.

Nako naman, hindi na nga lang ako magrereklamo.

"Kapag natapos akong magluto ng agahan at nasa kama ka pa, iisprayin ko ng tubig yang mukha mo." dagdag na pagbabanta sa akin ni Mommy.

Grabe talaga, ano po ako aso o pusa para tratuhin ng ganoon? Si Mommy, talaga naman.

"Babangon na po ako Ma." sapilitan kong nilaglag ang isang paa ko sa kama at hinila ang katawang lupa ko paalis ng kama. Pwede bang gumulong na lang ako? Hay.

Bakit kasi ang lamig sa umaga? Ang sarap pang matulog eh. Binuksan ko yung kurtina sa kwarto ko at uminom ng tubig mula sa tupperware kong baso.

Tiniklop ko yung kumot ko kasi kung hindi, masesermunan na naman ako ng Mommy.

Pagbaba ko ng hagdan, nainis lang ako sa nakita ko, "Ma, bakit po si Ronald natutulog pa sa sofa?" akala ko ba bawal na humingi ng extra pang minuto para matulog?

"Nag-saing na ako, mag-agahan ka na." sagot sa akin ni Mommy. Hindi ko mapigilan sumimangot.

Ang daya naman talaga!

"Yung kapatid mo, mas mabilis kumilos sa iyo. Kaya huwag ka na sumimangot diyan!" Hinampas niya yung malapad kong noo.

"Sige na nga po, hindi na ako sisimangot." sagot ko kay Mommy at binalikan ng tingin yung kapatid ko na yakap-yakap si Elmo. Ngumisi ako. "Gisingin ko na rin po ba si bunso para mag breakfast?" natatawa kong tanong ko kay Mommy. Di pwede na ako lang ang gising Ronnie, damayan mo ako.

"Ako na ang gigising sa kanya pagkatapos mong maligo." ani Mommy na tila nabasa kung ano ang nasa isipan ko.

"Ang daya naman talaga ni Mommy." pagmamaktol ko.

Dinilatan lang ako ni Mommy kaya nakaramdam na ako. Tigilan mo Sarah, ang aga aga.

"Kilos na, anong oras na oh!" Pagtuturo niya sa orasan. Wala na akong choice, susunod na lang talaga ako.

Matapos ko gawin lahat ng dapat gawin, hinanda ko na rin ang gamit ni Ronnie para dadalhin na lang niya.

Nilagay ko na rin ang ibinaon sa kanya ni Mommy sa lunch box niya.

Sasakay pa kami ng tren para makarating ng school.

Nagmamadali na lumabas si Mommy sa banyo at binihisan si bunso.

Usually pinapauna na niya ako bumiyahe kasi iba ang oras ng simula ng klase ko kaysa sa kapatid ko. Pero dahil maaga pa naman, hintayin ko na lang din si Ronnie.

"Akala ko nauna ka na?" tanong sa akin ni Mommy na magulo ang buhok.

"Ako na lang po muna maghatid kay bunso sa school ngayon. Maaga pa naman po." ipinakita ko sa kanya ang orasan ko.

"Buti naman. Sige saglit na lang ah." ani Mommy sa akin at inasikasong muli si bunso.

Araw-araw ganito kami. Matapos niya kami asikasuhin, maghahanda naman siya para pumasok sa trabaho tapos may oras pa na talagang dinadaanan niya sa school si Ronnie para lang sabayan siyang mag-lunch dahil yung oras daw ng lunch break ko ay alanganin sa schedule niya. Naiintindihan ko naman.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon