SIX

346 128 231
                                    

[ACT 6 | HIERARCHY]

"Matanong ko pala Sarah, ano pala ang section mo?" hindi ko inaasahang tanong ni Kenzo sa akin habang kinukuha ang ilan niyang gamit mula sa kanyang locker.

"Ah ako ba, sa Class A ako." sagot ko pagkasarado ng locker ko.

Napansin kong may konting pagkadismaya sa mukha niya na binawian niya rin ng isang maamong ngiti, "Ah, eh kamusta naman sa section niyo?" muling tanong niya sa akin.

"Sa totoo lang," ako naman ang nagdalawang isip sa kung paano sasagutin ang tanong na iyon ni Kenzo sa akin. Mukhang nakahalata naman siya dahil kita sa mga mata niya na inoobserbahan niya ang reaksyon ko, "Sa totoo lang, nahihirapan ako mag-adjust." pag-amin ko sa kanya.

"Transferee nga ako tulad ng kinuwento ko sa'yo sa tren kanina. Mahirap makibagay sa mga classmates ko, pero part iyon ng pakikisama ko sa kanila. Syempre ako yung bagong salta doon kaya dapat makibagay ako, hindi ba?" napatingin ako kay Kenzo na tinatanguhan lang ako kahit na parang hindi sang ayon ang mga mata niya sa sagot ko, "Nagkaroon din naman ako ng mga kaibigan doon, actually mababait nga sila eh."

Kahit na minsan sa paligid nila Chloe, hindi ko alam kung bakit hindi kaibigan ang turing nila sa akin.

Ano ka ba naman Sarah, masyado ka na namang sensitive.

Naiintindihan ko naman na matagal na sila magkakasama kaya ganoon na lang ang closeness nila, pero paano ko ba ipapaliwanag sa mas madaling paraan ang nararamdaman ko?

Kaibigan nga nila ako, pero pakiramdam ko hindi ako belong. Ganoon na lang.

Nakakahiya naman sabihin iyon kay Kenzo, malay ba niya kung sino yung tinutukoy ko. Isa pa hindi ganoon ang image nila Chloe sa ibang classroom, kilala nga siya ng lahat sa pagiging friendly niya eh.

"Eh ikaw Kenzo, anong section mo?" tanong ko pabalik sa kanya para naman hindi lang 'ako' ang topic.

"Ako, nasa Class F ako, pang apat mula sa huli." kaswal niyang sagot sa akin.

"Bakit naman kailangan pa sabihin na pang-apat sa huli?" hindi ko lang mapigilang tanungin. Hindi ko rin naman kasi binilang iyon.

"Tulad din ng kwento ko sa iyo kanina ang mga mas mababa sa class E, ay either hindi okay sa academics or mga under privileged." muling paliwanag niya sa akin.

"Bakit naman parang may discrimination ang bawat section?" ang unfair lang kasing pakinggan.

Natawa lang si Kenzo sa naging reaksyon ko sa sinabi niya.

"Sa totoo lang malaking pasasalamat ng batch na ito ngayon dahil na rin sa program na ipinatupad ng bagong Principal. Kung ireresearch mo, dati sampung estudyante lang ang binibigyan ng scholarship at yung mga taong iyon lahat sila walang binabayaran sa school." he paused with a friendly smile and continued, "Libre ang pag-aaral nila, basta ma-meet nila ang academic standards ng school. Ngayon, lagpas sampung katao na ang scholars ng school na ito." he added with pride.

"Nakakatuwa naman iyon kung ganoon." kaya rin siguro marami na ring recognition ang natatanggap ng school. Dahil iyon sa tulong na ipinapaabot nila sa mga taong gustong mag-aral kahit pa hindi sila priveleged.

Iba rin kapag matalino ka talaga, iyon ang dapat alagaan at hasain sa isang estudyante. Tanda ko rin yung sinabi ni Madam principal tungkol sa mga taong gusto mag-aral at makapag tapos para sa pangarap nila na nakikita ko sa katauhan ni Kenzo na nagsusumikap para lang makapagtapos.

Bigla rin akong dinala ng alaala ko sa kung paano sila Mommy at Madam Principal naging mag-instant BFF noon. Nakakatuwa pero nakakahiyang memorable meeting ang nangyari talaga noong araw na iyon. Lalo na at graduate ng public school si Mommy at working student noong college na halatang hinangaan naman ni Madam Principal.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon