[ACT 9 | HALF-DAY RÉUNION]
HINDI KO alam bakit nakinig ako sa payo ni Laurenz Antipatiko Mendez.
Mas gulong gulo ako ngayon dahil sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Inisip ko na sumabay na lang sa uwian nila bunso para naman hindi obvious na half-day lang ako ngayon sa school.
Pero paano kapag tinanong ako ni Mommy?
Mas mabuti na lang siguro na bumalik ako sa clinic at matulog na lang doon. Kaloka, as if naman pwede iyon. Umayos ka nga Sarah.
Eh saan naman ako pupunta ngayon?
Hay.
Bago ako lumabas ng campus, sa main entrance ng school may guard na nakabantay na kailangan kong malampasan. Dinaig ko pa ang contestant sa Legends of the Hidden Temple.
Madami dami na rin ang tao sa may waiting area kasi malapit na mag-uwian yung mga ka-batch ni Ronnie. Kinakabahan ako, paano ako lalabas ng school ng hindi ako nakikita ng guard? Napaka-open ng area para mag-sneak out ako.
Teka nga! Naalala ko yung excuse letter na galing sa clinic, baka magamit ko iyon. Tama! Baka pwede ko maging 'pass' ang letter na iyon.
Lumapit ako sa guard at pinakita ko yung excuse letter. Hindi na niya ito binasa, ang tanging sinabi niya lang sa akin ay pwede na ako umuwi dahil may authority naman ako.
So, ganoon lang kadali iyon?
Kung anu-ano pa ang pumasok sa isip ko, ano ba yan. Paano ba naman kasi, sa tala ng buhay ko hindi pa ako nag-cucutting class.
Pero pag-cucutting class ba ang tawag dito?
Ah! Ayoko na nga muna mag-isip. Over thinking na ito Sarah.
Across the school grounds may parang mini-store na maikukumpara ko sa 7-Eleven. Makabili na lang nga muna ng meryenda at baka pwede na rin ako tumambay muna doon habang iniisip ko kung ano dapat kong gagawin ngayon.
Mahaba habang oras pa ang hihintayin ko bago ang uwian talaga ng batch ko.
Hay naman talaga.
Binili ko ang favorite kong chocolate bar at isang box of milk. Nang matapos ako magbayad ng pinamili ko ay naghanap ako ng mauupuan, pero laking gulat ko nang mapansin ko yung malaking sign board.
NO LOITERING.
Tatambay sana ako dito habang walang mapuntahan, pero pati naman dito hindi ako pwede. Wala akong choice kundi lumabas na lang muna ng store.
Nakakahiya naman tumambay tapos may ganoong sign board na bumati sayo.
Malas mo Sarah.
Hindi na lang sana ako nakinig kay Laurenz. Kainis!
Gustuhin ko man pumasok uli sa school pero siguradong ipinaalam na ako nila Stephen sa mga teachers namin.
Last option ko na ba ang magpakita na lang kay Mommy? Sabihin ko na lang ba yung totoong nangyari sa akin?
Isa pang buntong hininga.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Teka nga. Kanina ko pa napansin ko na may umaaligid na kotseng kulay cream.
Nagte-test drive ba siya o ano? May parking lot naman na pwede niyang tigilan.
Weird. Bakit sa harapan pa ng school?
Tumigil yung kotse at bumaba yung driver na akala ko naman bata dahil kapuna puna yung nakaukit sa gas tank ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
The Spectrum of LIFE
Teen Fiction[A TAGLISH SLICE OF LIFE NOVEL] 'L.I.F.E. is a mess, but it is a masterpiece.' The Naive Transfer Student. A Misunderstood Outcast. The Selfish Princess. A Blind Prince. The Cunning Singer. A Witty Dreamer. The Protective Sister. An Ace Player...