S I X T E E N

249 82 220
                                    

[ACT 13.5 | PRICE TAG]

SA ILANG taon na nag-aral si Julia dito sa school, ngayon lang niya nakikita ng malinaw ang anomalya ng political hierarchy system na nagsimula sa batch niya.

Third-year na siya ngayon at miski siya hindi sang-ayon sa sistema na nabuo nang pumasok ang ilan sa mga maimpluwensyang tao dito sa school tulad na lang ng mga anak nila Senator Valentine, Congressman Farley, Ambassador Clarke, Governor Wheeler at General Hayes. Iilan lang sila pero mahaba-haba pa ang listahan kung tutuusin.

Ayon kay Julia, ang mga naunang batch na nagtapos sa school na ito ay ibang-iba sa henerasyon ngayon kaysa sa nakaraan.

Ang dating pagkakapantay-pantay na samahan ng mga bawat tao, ngayon ay napalitan na ng alitan at diskriminasyon.

May gusto mang gawin si Julia para sana ay mabago pa ang sistemang nabuo pero laking takot na lang niya at pag-iingat na maapektuhan ng isang desisyon ng kasalukuyan ang kanyang hinaharap. Ang tanging kaya niya lang gawin ay pumagitna sa dalawang panig at pilit na dinadaan sa matinong usapan ang lahat para hindi na rin lumaki pa ang gulo.

Sa totoo lang, malaking epekto ang nasaksihan na pagbangon ng isang estudyante mula sa lower class ang matalo ang isa sa mga tao na nasa upper class. Sa simpleng paraan na iyon, nagkaroon ng lakas ng loob ang mga inaapi na lumaban para sa mga sarili nila.

Ngunit hindi rin nagtagal at bumalik din sa nakasanayan ang lahat.

Hindi naman ako bulag para hindi mapansin na parang mas lumala pa ang lahat. Mismo kaming nasa Student Council walang ideya kung paano na lang isang araw, mga ilang estudyante ang nabibiktima ng hazing.

Masasabing nagkataon lang, pero hindi ko mapigilan isipin kung bakit puro taga lower class lang ang pinupuntirya nila?

Isa pa hindi namin kilala kung sino ang nasa likod nito. Matinding ipinagbabawal ang magkaroon ng Fraternity sa school, pero mukhang matagal na silang active.

Hangga't wala kaming alam kung sino ang mga tao na nasa likod ng bagay na ito, hindi pa valid i-escalate ito sa nakakataas. Dahil matinding punishment ang ihahatol sa taong nasa likod nito. Kung sino man sila, hinding hindi ko ito mapapalagpas.

"Eight students, eight students Stephen," nakatungong bulong ni Julia na hindi na maitago ang kanyang pagkadismaya dahil wala siyang magawa, "Lahat sila ka-batch mo." may pag-aalala sa tono ng boses niya.

"Dalawa sa kanila biglang nag drop-out. Tatlo naman sa kanila ay verbally abused. May lima rin sa kanila ang hindi pa ulit bumabalik sa school." aniya at huminga ng malalim, "I can't even ignore the fact that something much worse could happen kung hindi natin mahahanap kung sino ang nasa likod nito."

"Mahahanap din natin ang tao na nasa likod nito," I assured her. "May nakuha rin nga pala akong information na may nag-leak ng ilang question and answer sheet sa nakaraang quiz bee. Buti na lang at nandoon si Kathleen Edison para i-alter ang ibang questions." madulas pa ata sa isda ang taong nasa likod nito.

"Goodness." she uttered in disbelief, "Bakit naman nila gagawin iyon, it's supposed to be a friendly competition among students, why would some people go that far?"

"Dalawa lang ang naiisip kong dahilan, either threatened sila sa competitors nila o para siguradong mananalo ang dapat manalo." it's just a fact that I can't ignore. I need more evidence on this case at hindi rin namin ito pwede i-disclose sa ibang members ng council, lalo na nag-iingat kami sa mga taong pagkakatiwalaan namin.

Nang muli kong balikan ng tingin si Julia, nakita ko kung paano siya napangiti sa gawi ko.

"Kaya mas fit ka maging Council President eh. Mas confident ka sa akin Stephen. Mas naiisip mo ang mga bagay na hindi ko naiisip." puri niya sa akin bilang VP ng Student Council at sinubukang balikan ang iba pang reports na kailangan niyang pagtuunan ng pansin.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon