FOUR

379 152 266
                                    

[ACT 4 | MY FAVORITES]

AGAD naman akong sinalubong ng paborito kong tao na halos kamukha at ka-aura ni Cedie pagkauwi ko ng bahay.

"Ate, welcome home!" masiglang bati niya sa akin. Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit. Napakagaan talaga sa pakiramdam kapag nakikita ko ang cute kong kapatid na si Ronnie.

"Kamusta school mo?" tanong ko sa kanya habang ginugulo buhok niya.

"Hmmm... look Ate." pinakita niya sa akin yung tatlong stars niya sa kamay. "Binigyan kami ni teacher ng stars." pagmamalaking aniya na may malawak na ngiti sa kanyang labi. "Sabi niya, 'Good Job on perfecting the quiz.'" nagawa niya pang gayahin ang sinabi ng teacher niya sa kanya.

"Wow naman, ang galing galing naman ng kapatid ko!" binigyan niya ako ng matamis na halik sa pisngi at nilabas ko yung pasalubong ko sa kanya bilang reward mula sa paper bag.

"Heto oh, french fries." every two days ako nag-iipon ng pera para lang mapasalubungan siya. Paano ba naman kasi, deserve naman ng kapatid ko iyon.

Konting pang-motivate lang naman ito sa kanya, araw-araw kasi siyang may stars galing sa school. Kung pwede lang gawing wallpaper sa kwarto niya ang stars na nauuwi niya, baka puno na ang stars sa kwarto niya.

Though si Mommy ayaw na naii-spoil 'tong kapatid ko. Baka raw masanay tulad ko na naka depende sa reward system kapag may ginagawa akong tama. Noong ako pa lang kasi ang anak, lahat ng gusto ko nakukuha ko, hindi tulad ng kapatid ko.

"Aba Sarah, fries na naman?" bati ni Mommy sakin. Dinampian ko siya ng halik sa pisngi, "Hindi na naman kakain ng hapunan yang kapatid mo na 'yan."

"Mommy oh, fries po. Bigay ni Ate. Gusto mo po ba?" lambing ni Ronnie kay Mommy at tinugunan naman ito ni Mommy ng malawak na ngiti kasabay ng pagsubo ng fries mula sa maliit na kamay ng kapatid ko.

"Gusto mo rin naman po pala Ma, sana po binilhan din kita." pabiro ani kay Mommy.

"Magbihis ka na nga, bantot mo!" asar niyang puna sa akin.

Para lang kaming magkaibigan ni Mommy, pero syempre may limitations pa rin kasi Mommy ko siya. Andoon ang respeto at ang iniingatan kong tiwala niya sa akin, "Kakain na after an hour, ha." paalala niya at nagtungo na sa kusina. Si Ronnie naman nagpatuloy sa panonood ng Tom and Jerry sa Cartoon Network.

"Opo." sagot ko kay Mommy at dumiretso na sa aking kwarto para makapagpalit na ng damit.

Biglang nahagip ng mga mata ko ang last family picture namin.

Si Papa kasi pinatawag ng officials niya kaya kaming tatlo lang ang nandito sa bahay. Isang US Navy si Papa. Sa totoo lang hindi naman niya kami tunay na anak, pero inako niya kami ng parang sa kanya.

Siya ang dahilan bakit sa elite school kami napasok ni Ronnie ngayon. Siya rin ang nag-ahon sa amin sa mala-impyerno naming buhay mula sa side ng tunay naming ama.

Bata pa lang ako noon at walang kamuwang muwang sa buhay. Ayon kay Mommy, nasira ang pamilya namin ng isang kasinungalingan na pinaniniwalaan ni Daddy.

Hindi ko alam kung paano ako nagkasugat sa kamay, pero ang lalim nito kaya lagi akong nagsusuot ng bracelet para takpan ito.

Naaksidente ata ako noong bata pa ako. Hindi ko na rin maalala ng malinaw ang lahat. Para bang nag-hibernate ang utak ko sa mga panahong nagkakagulo ang pamilya ko.

Hindi ko na rin maalala ang mukha ni Daddy. Miski si Ronnie, hindi kilala ang tunay naming ama. Mula pagkapanganak ni Mommy sa kapatid ko, si Papa na ang nandiyan para sa kanya.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon