THIRTEEN

252 85 171
                                    

[ACT 12 | THE CHALLENGER]

PINAPILA NG TEACHERS ang lahat ng estudyante mula sa bawat section para magtungo sa auditorium kung saan gaganapin ang quiz bee ng buong first year. Kinansela na rin ang afternoon classes namin para sa attendance namin sa nasabing event.

Bago ako pumila sa labas ay kinuha ko ang pagkakataon na ito para lapitan si Chloe, para na rin sana ay i-cheer siya.

Hindi ko masabi kung kabado ba siya o ano, kasi ilang araw na 'rin noong huli kaming nagkausap. "Chloe, good luck ha." kaswal kong bati sa kanya nang tapikin siya sa balikat niya.

"Salamat." nakangiting aniya, "Sorry din pala noong mga nakaraang araw Sarah," paliwanag niya, "I just need to focus in what I should do to win. Ayoko naman matalo ang section natin." kahit pa paano ay nakahinga ako ng maluwag.

I shake my head with a smile telling her, "Okay lang, I understand."

Ikaw naman kasi Sarah, kung anu-ano ang naiisip mo. Dapat tigil-tigilan ko na ang pagiging masyadong matampuhin. Mamaya niyan isipin pa niya na masyado akong needy bilang kaibigan niya.

Nilabas niya ang kikay kit niya at nagsimula na siyang mag-ayos. "Anyway, I heard na friends na kayo ni Laurenz?" nag-powder siya ng mukha at nag lagay na rin ng lip gloss.

"Sort of, pero hindi ko pa rin masabi." sagot ko sa kanya ng walang kasiguraduhan dahil hindi naman ako sigurado talaga.

Madalas din kasing hindi kami magkasundo ni Laurenz at halata namang mainit pa rin ang dugo sa akin ng taong iyon. Si Stephen nga lang ang parang taga-balanse namin, sa totoo lang.

Tahimik lang akong pinagmasdan ni Chloe saglit na para bang may inaasahan siyang makita sa mukha ko, hindi ko mawari kung ano iyon pero agad din niya akong nginitian na para bang wala akong dapat ikabahala kahit na-

Teka, iniisip ba niyang?

"I swear." I added with certainty as if I read the right message that she wants me to see. Aware naman ako may gusto siya kay Laurenz at alam ko naman kung saan ako lulugar. Ayoko naman na pagdudahan niya ako dahil lang doon. Iyon din ang iniiwasan kong mangyari sa pagitan naming magkaibigan.

"Tinuturuan niya lang ako sa lessons and surprisingly, magaling naman siyang magturo." pwede ko naman sigurong i-compliment yung taong iyon, hindi ba? The last time kasi na hindi compliment ang lumabas sa bibig ko eh parang na-offend ko si Chloe doon, ayoko naman na ma-misunderstood niya ako.

Tumayo na si Chloe sa upuan niya at tinawanan ako, "Hey Sarah, relax." she says as she puts her hands on my shoulder, "Masaya nga at na nakikipag-kaibigan siya sayo. Bihira ko kasi siyang makita na nakikipagkaibigan sa iba, pwera kay Stephen." her face looks pleased.

Ha? Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact sa harapan niya.

Hindi ko naman nga kasing masabi na kaibigan ako ni Laurenz Mendez.

Not unless it's the other way around?

Ang bang ibig sabihin ni Chloe? Gusto ba niyang kaibiganin ko si Laurenz, ganoon ba?

Wala namang kaso sa akin kung tutuusin, pero kasi hindi ko mapigilan mabahala sa pagsuporta niya sa akin na mapalapit ako doon sa taong gusto niya.

Gusto ko ma-secure ang feelings niya.

"I mean, alam ko naman na gusto mo siya Chloe, kaya hindi--"

"Just promise me," putol niya sa akin at itinaas ang kanyang hinliliit sa harapan ko, "When the time comes, you'll help a friend in need." aniya na diretsong nakatingin sa mga mata ko na para bang gusto niyang iwan ko ang pangakong ito sa kanya.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon