T W E N T Y - T W O

232 72 128
                                    

[ACT 16.5 | CONFLICT OF INTEREST]

AGAD KONG nasalo si Julia nang hawiin siya ni Pierre.

Wala na talaga siyang piniling lugar at oras.

Bakit pa niya kailangan palakihin ang issue na ito?

"Stephen pigilan mo sila, please." pakiusap ni Julia dahil alam naman naming pareho kung ano ang pwedeng mangyari.

Papagitna na sana ako nang hilahin ni Sarah si Laurenz palayo kay Pierre. Hindi ko inaasahan na ilalagay niya ang sitwasyon niya sa ganito at miski si Laurenz ay nagulat sa ginawa ni Sarah para sa kanya.

Sarah apologizes on behalf of Laurenz in front of Pierre just to end this confrontation. Maayos naman siyang kinausap ni Sarah ngunit hindi niya kilala si Pierre. Nagawa pa nga ni Sarah iabot ang panyo niya sa lalaki ngunit imbis na tanggapin niya iyon, nagawa pa niyang hampasin ang kamay ni Sarah ng buong pwersa na siyang ikina inis ko.

Akala ko susuntukin na siya agad ni Laurenz dahil sa ginawa niya sa babae, pero mas inuna niyang tingnan kung ano ang lagay ni Sarah at kasabay no'n ang pagkabitaw niya sa paborito niyang walkman.

"Huh, the great Laurenz Mendez hides behind a mundane girl now." Pierre scoffed, belittling him again, "Ganyan ka na ba kaduwag ngayon?"

Naghahanap lang talaga siya ng away eh. Para na naman ano?

Mula pa noon lagi niyang pinagdidiskitahan si Laurenz na para bang tuwang tuwa siya na maliitin siya simula nong-

Mga bata pa kami no'n.

Tumayo si Laurenz na nakakuyom ang kamao niya at masamang binalikan ng tingin si Pierre na halos wala ng liwanag ang mga mata niya.

Nginisian siya ni Pierre na para bang napagtagumpayan niyang sagarin ang pasensya ni Laurenz ngunit bago pa man siya masuntok ni Laurenz, pumagitna na sa kanilang dalawa ang taong minsang tinitingala ni Laurenz na kinalaunan ay pinagtaksilan siya.

Malamig siyang nilingon ni Travis pagkatapos niyang itulak si Laurenz mula kay Pierre.

"Stay away, Hayes." Laurenz growled inwardly, almost warning him.

"Pabayaan mo siyang gumanti sa akin Travis." sulsol ni Pierre sa kaibigan.

"Ano ba kasing kalokohan ito?" Travis shakes his head in disbelief as he ignores Laurenz and looks back at Julia, "Nakatunganga ka lang diyan Pres?"

Ano ba ang akala niya, akala ba niya gusto namin ito? Akala ba niya pinabayaan naming mangyari ito?

The nerve of this guy!

To think his friend started this foolishness in the first place.

Pasagot na sana ako dahil harap-harapan niyang pinapahiya si Julia.

May role ang student council para mapanatili ang kaayusan dito sa school; pero kapag ang estudyante na ang naghanap ng gulo, hindi na namin responsibilidad iyon.

Palibhasa mga maimpluwensyang tao 'tong mga 'to.

"It's a misunderstanding," sagot sa kanya ni Julia bago pa man ako makapagsalita, "Wala namang may gusto nito Travis, pinigilan ko naman bago pa magkagulo. Pero pinapalaki lang ni Pierre ang issue." paliwanag ni Julia sa kanya. Nagawa pa niyang taasan si Julia ng kilay na para bang nakakita siya ng inosenteng bata na pwede niyang utuin. "Pumagitna lang kanina si Sarah para abutan si Pierre ng panyo, pero nagawa niyang hampasin yung kaibigan namin."

Tiningnan ni Travis si Sarah sa likuran ni Laurenz hanggang sa napansin ang panyo niya na nasa lapag na malayo sa babae. Kinuha niya iyon at pinagmasdan saglit bago niya hinagis ang maliit na tela mula sa 3rd floor ng high school building.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon