[ACT 20 - PART A | JINX]
DUMATING NA naman ako sa point na ayoko na muna sana pumasok sa school. Pero kailangan.
Hindi ko mawari kung bakit ba nangyari sa akin yun nung araw na iyon. Hindi ko naman alam na boyfriend ng bestfriend kong si Maxene si Kenzo na malapit na kaibigan ko rin.
Like come on Sarah, si Maxene iyon; hindi naman hamak mas maganda siya sayo, mas matalino, mas matured at mas marami na ang naging achievements niya sa iyo to think na mas bata siya sa iyo.
Kung babalikan nga rin naman yung naging usapan namin ni Kenzo, it all made sense na si Maxene nga yung taong tinutukoy niya. Ano ba namang panama ko sa katulad ni Maxene? Comparing to her, she's indeed more likeable.
Is this what you call insecurity?
Sa totoo lang hindi ko alam kung maibabalik ko pa ang pagkakaibigan namin sa dati. Hindi ko alam kung worthy pa ba niya ako maging kaibigan matapos nang nangyari noong araw na iyon. Opening my locker, I didn't find any more letters from her. She must have hated me now.
Noong una si Martin, tapos si Kenzo, tapos si Maxene, tapos ngayon si Chloe.
Dumating na ata ako sa point na ayoko na muna siguro magkaroon ng kaibigan.
Siguro mas mabuti na mag-isa na lang muna ako; baka kasi sobrang pinipilit ko lang paniwalain ang sarili ko na kaibigan nila ako, katulad na lang ng treatment sa akin ni Laurenz.
Kailangan ko lang talagang pumasok ngayon kasi ito na ang last examination day namin bago magbakasyon at makapaghanda para sa susunod na school year.
Pero sa totoo lang wala ako sa focus noong mga nakaraang araw, ni hindi pumapasok sa utak ko ang mga lessons namin.
"Good morning Sarah!" malugod na malambing na bati sa akin ni Stephen na kararating lang sa locker area.
Siya na lang ang natitirang tao na nagmamalasakit sa akin.
Though hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako pumayag sa set-up namin, to think na alam ko naman na gusto niya si Julia. Napaka-impulsive ko talaga.
Pero kasi sino ba naman ang hindi mafa-flatter. He's the only one who stood up for me noong iniwan ako nila Chloe, siya rin ang dahilan kung bakit hindi na ako tinatratong parang aso ni Laurenz.
"Hello Stephen." nakangiting bati ko sa kanya.
"So, nakapag review ka ba?" tanong niya sa akin at tinanguhan ko lang siya bilang tugon, kahit na hindi ako sigurado sa sarili ko kung may naalala ako sa mga inaral ko.
Hindi naman niya katulad si Laurenz na may free time para turuan ako. Masyadong busy si Stephen lalo na at sa tingin ko naman siya ang magiging School Council President sa susunod na taon, not unless someone challenges him for the position.
"Don't worry, I'm sure madali lang ang exams." he says cheering me up.
"Sana nga." nakangiting sagot ko sa kanya at pilit na tumawa para lang kumbinsihin ang sarili ko na magiging maayos lang ang lahat. Buti pa siya hindi kailanman nagbabago ng tingin sa akin. Kung paano niya ako tratuhin mula simula, ganoon pa rin siya hanggang ngayon sa akin. Siguro kung hindi dahil kay Stephen, baka talaga tinamad na ako pumasok sa school. Lalo na kalat na kalat sa school ang naging rejection sa akin ni Kenzo. Nakakahiya talaga.
Tapos heto makikita ng tao na si Stephen ang kasa-kasama ko ngayon.
Oo iniisip ko pa rin ang iniisip ng iba tungkol sa akin, pero sino ba sila para husgahan ako?
BINABASA MO ANG
The Spectrum of LIFE
Teen Fiction[A TAGLISH SLICE OF LIFE NOVEL] 'L.I.F.E. is a mess, but it is a masterpiece.' The Naive Transfer Student. A Misunderstood Outcast. The Selfish Princess. A Blind Prince. The Cunning Singer. A Witty Dreamer. The Protective Sister. An Ace Player...