[ACT 2| GOSSIP GIRLS]
MABABAW na siguro ako para magpasalamat na nairaos ko ng maayos ang araw na ito.
Nakahinga ako ng maluwag nang naibalik sa akin ang one whole sheet of paper ko na may mataas na grado. Malaking tulong ang naging score ko sa identification at nakakuha pa ako ng additional points sa essay part. Laking pasasalamat ko na rin ang mabigyan ng additional 3 points ng teacher ko dahil sobra niyang ikinatuwa ang ilang detalye na isinulat ko sa essay part.
Pero kahit nakapasa ako sa quiz namin na halos para na ring monthly exam na, alam kong hindi pa rin ako pwede pumetiks. By percentage marami rami pa akong hahabuling puntos para hindi ako magkaroon ng line of seven this quarter. Buti nga at alam namin kung paano ang pag compute ng grades namin. Malaking tulong din ito para sa aming mga estudyante na makita kung saan pa kami pwedeng mag-adjust para hindi kami bumagsak.
Lalo na ako na weakest link dito sa klase namin. Hay.
Kailangan kong maka-catch up sa classmates ko. That's the goal.
"Uy, Sarah." muling tinawag ni Chloe ang pangalan ko, "May gagawin ka ba? Gusto mong sumama?" tanong niya habang dala-dala niya sa kanyang balikat ang branded niyang bag. Bahagya niyang binalikan ng tingin ang grupo niya na nauna nang lumabas na ng classroom namin.
Bigla kong naalala ang pambabastos sa kanya ni Mr. Antipatiko kanina. Hindi ko rin naman alam kung paano ioopen ang topic na iyon kay Chloe, kasi para ngang nakalimutan na niya yung nangyari kanina. Mukhang si Chloe yung taong hindi nagkikimkim ng sama ng loob sa iba.
Ang mature naman niya.
"Wala naman, uwian na eh," nakangiting sagot ko sa kanya. Teka ano uli, niyaya niya ba ako? "Saan ba mo balak pumunta?"
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng excitement dahil doon. Ang babaw ko na siguro talaga. Pero kasi naman, first time na may nagyaya sa akin after school hours.
"Sa library lang naman," she replied tilting her head beside with a friendly smile, "Magkakaroon kami ng group review, I'm just wondering kung gusto mong sumama para na rin matulungan ka rin namin na maka-catch up sa lessons."
Ang considerate naman ni Chloe.
Teka, ganoon na ba ka-obvious sa klase na ako ang weakest link sa section namin?
Hindi ko alam kung ano ang tamang reaksyon na dapat kong ipakita sa harapan niya, pero dahil sa maganda naman ang intensyon niya at alam kong makakatulong din para sa akin ito; pumayag na rin ako at sabay na kaming lumabas ng classroom.
"Sa library tayo, para makapag focus tayo." aniya na muling tinanguhan ko lang.
Itatago ko na lang ang excitement ko dahil ito ang unang beses na makakapunta ako sa library dahil hindi ko rin naman masingit sa oras ang pagdalaw sa ibang pasilidad ng school. Isang dahilan na rin ang ayokong maligaw kaya after school hours namin, diretsong uwi na ako agad.
Pagpasok namin sa library agad akong nilamig dahil sa lakas ng aircon nito sa loob. Hindi ko mapigilang mamangha sa lawak ng silid kung saan nililibot ng mga mata ko ang hilera kung saan nakapatong ang ilang computer units for research purposes at ang hanay ng mga aklat na naka-alphabeticalize sa bawat bookshelves.
Ang imis ng lugar at tahimik. Sa gilid ng bintana ng library ay may book nook. May iilang lamesa at upuan rin naman kung saan pwedeng umupo ang walong tao.
Kahit siguro hindi ko hilig ang pagbabasa ng libro pwera na lang sa mangas at comics, mapapatambay ako dito. Tama nga si Chloe, magandang magreview dito. Makakuha nga ng library card sa susunod.
BINABASA MO ANG
The Spectrum of LIFE
Teen Fiction[A TAGLISH SLICE OF LIFE NOVEL] 'L.I.F.E. is a mess, but it is a masterpiece.' The Naive Transfer Student. A Misunderstood Outcast. The Selfish Princess. A Blind Prince. The Cunning Singer. A Witty Dreamer. The Protective Sister. An Ace Player...