T W E L V E

245 91 135
                                    

[ACT 11.5 | TURTLE IN A HAMSTER CAGE]

ENOUGH is enough.

"Ma, nakapag decide na po ako."

Nagtiis ako ng ilang buwan dahil kailangan kong makisama. Para kay mommy. Pero obvious naman na hindi ako welcome dito, hindi man iyon ang pinaparamdam sa akin ng boyfriend ni Mommy, pero yung anak naman niya mahirap suyuin.

Ang tanging nakikita kong paraan para matanggap si mommy ng anak ng boyfriend niya ay ang mawala ako sa picture. Ilang buwan ko rin naman pina pakisamahan ang anak ni Tito Albert, pero talagang hindi ko pwedeng pilitin ang taong 'ayaw' sa akin.

"Pero anak," suyo sa akin ni Mommy, "Intindihin mo na lang ang magiging kapatid mo." wala namang problema sa akin, yung isa lang ang mahirap umintindi. "This is just a phase Martin. Lilipas din ito." Mom tries her best to reason with me.

"Nakapag decide na po ako kasi Mom," I paused and hold her hand "Uuwi na lang po muna ako at doon po ako mag se-second year. Tatapusin ko lang po itong taon na ito para po hindi sayang." nakangiting ani ko dahil ayoko rin naman may masabi sa akin yung anak ni Tito Albert na winaldas ko yung pera nila. Malaki rin naman ang utang na loob ko kay Tito Albert at ayoko rin naman ng gulo kaya ako na lang ang mag-aadjust.

Minsan ito rin ang ayaw ko sa sarili ko eh, kapag nakapag decide na ako gagawin ko talaga.

As in gagawin ko talaga.

Ilang buwan, ilang buwan ko itong pinag-isipan. I'm at my limit already.

"Martin, baka homesick ka lang. Naiintindihan ko naman eh. Pero huwag mo naman ako iwan dito anak." bakas ang lungkot sa boses ni Mommy, pero hindi ko naman siya gustong iwan dito eh.

"Ma, tatanggapin ka lang naman po ni Abby kapag umalis ako sa picture. Nakikita ko naman na nagbabago siya at nag-oopen up sa iyo. Masaya nga po ako kasi hindi ka na niya binabastos tulad ng dati."

Kahit pa paano naman ay nag-aadjust si Abby, sadyang mainit lang ang dugo namin sa isa't-isa.

Hindi ko nga alam kung bakit simula ng tumira kami dito at nagbahay-bahayan walang kupas ang pang-mamaliit niya sa akin.

Actually okay lang kung ako ang kutyain niya eh, huwag lang si Mommy. To think na babae pa naman siya tapos grabe siya kung makapanglait kay Mommy noon.

Napaka-maldita niya!

Sobra-sobra ko siyang pinag papasensyahan.

Pero sagad na ako.

Ayaw ko na talaga.

"Hindi ko na ba talaga mababago ang isip mo anak?" muling tanong ni Mommy sa akin na may panghihinayang. Umiling ako, hindi ko naman ito biglaang naramdaman. Again, ilang buwan kong kinukumbinsi ang sarili ko na magwo-work kami ni Abby kahit civil lang, pero siya ang mapagmataas sa aming dalawa.

"Kung ganoon sasama na lang ako pabalik." pinigilan ko si Mommy, alam kong nasasabi niya lang ito dahil ayaw niyang mahiwalay sa akin. Pero kaya ko naman na.

"Mom, masaya ka dito kasama si Albert. Matagal ka na ring nagpaka-single para sa akin at ayoko naman po na ako ang dahilan kung bakit ipopostpone mo ang happiness mo para na naman sa akin."

Hindi ko alam kung sino ang totoong Daddy ko, pero hindi kailanman nagkulang si Mommy sa akin kaya hindi ko na rin hinahanap pa ang taong nang-iwan sa amin. Napalaki naman ako ng maayos ni Mommy at bilang anak niya ipinagmamalaki ko siya.

Hindi siya kailanman nagpakasal dahil sa akin nakatuon ang atensyon niya mula pa pagkabata. Ngayon at nandiyan na si Albert para sa kanya, gusto ko naman maging masaya si Mommy.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon