THREE

401 153 269
                                    

[ACT 3 | WOLF IN A FENCE]

NAKAKAPAGOD at intense na araw.

Dahil nauwi rin naman sa wala ang so-called 'group study' namin, mas mabuting umuwi na lang ako. Baka makita pa ako ni Stephanie at awayin pa niya ako dahil lang sa kasama ko yung mga taong pinagchichismisan siya kanina. Baka diretsong umuwi na rin yung apat na kasama ko kanina.

Dumaan muna ako sa locker para iwanan yung mga librong hindi ko naman kailangan. Ang bigat naman kasi ng bagpack ko, makukuba na ata ako sa kaka-bitbit nito sa araw-araw eh. Matibay naman ang pulang Jansport bag ko, pero lugi ako sa kapal ng libro na ginagamit namin sa school. Bakit kasi hindi pwede mag-trolley sa high school?

Nasasabi ko lang ata ito dahil namimiss ko mag-trolley, though kailangan sumunod sa trend. Dahil kapag hindi, pag-uusapan ka ng ibang tao o tatawanan ka nila patalikod.

"Late ka na ata uuwi Sarah." pagpuna sa akin ng mahinahon at pamilyar na boses.

"Stephen?" si Stephen nga! May kung anong tumalon sa tiyan o dibdib ko nang ngitian niya ako.

Tunay naman kasing nakakabighani ang hitsura ng lalaking ito.

Malumanay ang mga mata niya. Ang amo ng mukha niya na nagrereflect sa ugali niya na napaka-welcoming sa tao. Ang tangkad at ang talino pa niya. Nakakadala ang ngiti niya na para akong nginitian ng isang anghel mula sa langit.

Teka, nahahawa na ata ako sa mga babaeng nag fa-fan girl kay Stephen.

"Kamusta ang araw mo?" sa kadahilanan na ayokong magkaroon ng dead-air sa pagitan namin iyon ang lumabas sa bibig ko.

Ano ba naman Sarah magkaklase kayo, tapos kinamusta mo araw ang niya? Wala ka na bang ibang maisip babae ka?

Nagulat ako at nakitang natawa siya sa tanong ko na parang hindi iyon ang inaasahan niyang sagot ko sa tanong niya.

"Ayos lang naman, kakatapos lang ng meeting namin sa Student Council. Salamat sa pag kamusta mo sa naging araw ko." nakangiting aniya.

Pigilan mo ang sarili mo Sarah, don't you get so fidgety now.

Sa totoo lang, oo at hindi talaga ako mapakali. Bihirang bihira kasi ang pagkakataon na magkausap kami ni Stephen. Kaya naman heto ako at napapaisip ng maayos mapag-uusapan, ano pa ba ang pwede kong sabihin o tanungin sa kanya?

Bago pa man ako maka-isip ng sasabihin, may babaeng kabababa lang ng hagdan na lumapit sa kanya.

"Hey Stephen," nakangiting bati ng isang magandang babae na nagbigay liwanag sa buong kapaligiran namin, mga anghel ata 'tong mga ito, "Be sure na maayos na ang dapat ayusin para sa next month's school activities." miski ang boses niya, maganda. Pinapanood ko lang sila pero gumaan na agad ang pakiramdam ko. Para akong nasa isang Disney scene kung saan nagkita at nag-uusap ang prinsesa at ang prinsipe.

Mas matangkad yung babae sa akin kahit pa naka-flats din siya, model kaya siya? Hugis almond ang mga kayumanggi niyang mga mata. May pagka hugis puso ang mga labi niya na pinatungan niya ng chapstick. Mahaba ang buhok niya at mukha rin siyang approachable tulad ni Chloe.

Ka-batch kaya namin siya?

"Ah oo, ako na ang bahala huwag ka na masyado magpakapagod Julia." sagot ni Stephen sa babae at sinuklian lang siya nito ng isang matamis na ngiti bilang tugon.

Sa kung paano tingnan ni Stephen ang babaeng Julia ang pangalan, ito ang unang pagkakataon na alam ko na ang ibig sabihin ng espesyal sa hindi. Mas umaliwalas ang mukha ni Stephen sa harapan ng babaeng ito at ganoon din naman siya sa kanya.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon