EIGHT

309 122 282
                                    

[ACT 8 | TRAL TALK]

"Sarah, bakit natatakot kang mag-isa?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong na iyon ni Kenzo lalo na kung mata sa mata niya ako tingnan ngayon.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at nilingon ang 25 pesos na Cornetto cup ice cream na binili niya sa akin. Ayos lang naman kung yung sampung pisong 5ml lang, mukhang gusto niya ako talagang magka-utang sa kanya.

Hindi naman ako takot mag-isa. Ni, hindi naman iyon ang topic.

Bakit ba ganoon ang tanong niya sa akin? At bakit ako naiinis? Disappointed? Frustrated? Sa totoo lang hindi ko na alam.

Kinuwento ko lang naman yung konting tampo na naramdaman ko nang minsan iwan ako nila Chloe.

Noong minsan na inutusan nila ako bumili ng pagkain nila halos nagpabalik balik ako noon mula sa table namin at sa counter kung saan ko kukunin yung mga inorder nila dahil per tray iyon, considering na apat sila.

Noong sinulatan ko sila ng notes kasi mabilis raw magpalit ng slide sa projector na pinapakopya ng isa naming teacher.

Madalas, ako naman ang willing tumulong sa kanila. Nagvo-volunteer akong tulungan sila para naman kahit papaano ay matanggap nila ako.

Pero bakit pakiramdam ko, may kulang pa?

"Paano mo naman nasabi iyon Kenzo?" natatawang tanong sa kanya, "Ikaw talaga." sana lang talaga ay hindi awkward yung tanong ko pabalik sa kanya.

"Ewan, nakita ko lang kasi sa mga mata mo." he shrugged tilting his head beside, "Sa mga kinuwento mo sa akin, iyon ang nakikita ko."

"Mali ka naman ata doon, grabe ka talaga Kenzo." nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Kita mo, pati ikaw hindi mo alam." nakangiting aniya at umayos siya ng upo na napapailing sa naging sagot ko pabalik sa kanya.

"Huh? Ang alin ba?" ano ba ang ibig niya sabihin?

"Kakasabi mo lang, 'mali ata ako'. That means you're not aware na ganoon ang nangyayari sa iyo." binaling niya ang tingin niya sa field habang pinagmamasdan ko kung paano hawiin ng hangin ang tuwid niyang buhok.

"May taong nagsabi sa akin dati na kapag napapadalas ang pagtatanong mo sa sarili mo, 'na ano ba ang kulang sa iyo'," bumalik ulit ang mga matang niyang nakatingin sa field sa akin, "Para kang nagtatanong sa salamin na walang mukha."

"Bakit naman ganoon ang pagkaka-interpret mo?" kakaiba naman mag-isip kung sino man ang tinutukoy ni Kenzo.

"Dahil ang taong nakatingin sa salamin na walang mukha, ay ang taong hindi kilala ang sarili niya." he explained further with honesty in his eyes.

"Kilala ko naman ang sarili ko Kenzo. Ikaw ha" sinagi ko siya gamit ng balikat ko, "Ang galing din ng comparison mo, ano?" natatawang dagdag ko para mapagaan ang nararamdaman kong alinlangan. Gagawin ko na lang joke ang naririnig ko sa kanya.

Baka nga nagpapaka-sensitive lang ako talaga.

"Aware naman ako doon at nakikita ko rin naman sayo na kilala mo kung sino ka." Kumain siya ng tinapay na may palamang jam, "Pero kasi sa naiintindihan ko sa kinuwento mo; aware ka sa nangyayari, nagbubulag bulagan ka lang."

Kinain ko ang binili niyang ice cream para sa akin at hindi makapag-react sa opinyon niya base sa kung paano niya naintindihan ang kinuwento ko sa kanya kanina lang.

Mali naman siya eh.

Mali din naman siguro yung iniisip ko. Ako lang ata ang nag-iisip nito.

Ata.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon