TWENTY-ONE

239 75 199
                                    

[ACT 16 | A DOG IS A MAN'S BESTFRIEND]

MASASABI KO NGANG totoo ang sinasabi nila, 'ang pagsisikap ay magbubunga rin sa huli.'

Naiiyak ako sa tuwa dahil sa wakas naipasa ko ang periodical exams.

Salamat po ng marami Lord!

"Masaya ka naman niyan?" panunuyang bati sa akin ni Laurenz, hindi ko napansin na nakatayo siya sa tabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang gusto niyang ipagmayabang ang kontribusyon niya sa magagandang grado na nakuha ko sa iilang subjects na hirap ako. Basta may problem solving, alam ko agad na tagilid ako.

"Masayang masaya!" nakangiting ani ko na dahilan kung bakit umismid siya at napapailing, mukha na naman siyang iritable sa akin. Dapat nga masaya siya para sa akin dahil nakapasa ako, "Hindi ko kasi akalain na papasa ako. Laking tulong talaga ng mga tinuro mo sakin Laurenz." pabiro kong hinampas ang braso niya sa tuwa, "Ang galing, galing ko 'no?" pagmamalaki ko sa harapan niya.

Pabirong hinampas niya ang noo ko, "Ang yabang mo na ngayon ha?" iritang aniya. Teka nga bakit ba napakaseryos niya tingnan? Hindi ba uso sa kanya ang salitang 'fun'? Hindi naman siguro siya bumagsak. Inaatake na naman siguro siya ng PMS niya at ako na naman ang pinagbubuntungan nitong taong 'to.

"Masaya lang naman, pagbigyan mo na ako." I puffed my cheek avoiding his gaze. Minsan lang naman ako magsaya ang KJ naman nito talaga. Nang mahagip ko ang mukha niya, nakita ko na agad niyang tinatakpan ang bibig niya gamit ng kanyang kamay. "Bakit ka natatawa diyan?" maingat ko siyang tinanong. Anong nakakatawa?

Umiling siya at umiwas saglit ng tingin na para bang may binura siyang ekspresyon sa mukha niya na ayaw niyang makita ko. Nakapamulsa siyang hinarap ako ulit at ngumisi ng nakakaloko, "Ngayon maniningil naman ako." I let out a huge sigh, "May reklamo ka?" taas kilay niyang tanong sa akin.

"Grabe ka naman mag-assume, wala pa nga akong sagot." nagkaroon ng tuwid na linya sa labi ko, "Dahil sa masaya ako, sige." Tinanguhan ko siya, "Sabihin mo lang kung paano ako makakabayad sa 'utang na loob' ko sa'yo."

Pinasok ko ang test papers ko sa bag ko. Ipagmamalaki ko kay Mommy ang nakuha kong grades para naman hindi lang si Ronnie ang bida sa bahay. Magbabakasakali ako na makakuha ng reward mula kay Mommy, sana palarin.

Hinarap ko ulit si Laurenz na ngayon ay taas noo akong pinagmamasdan. Ano ba namang mukha 'yan? Mai-intimidate pa ba ako sa kanya kung ito na ang default face niya?

"Pwede kita bilhan ng lunch o kaya naman ipagsulat ka ng notes sa class o kaya naman kung may iuutos ka, pwede kong gawin ang isang bagay para sa'yo." ako na lang din ang nag-suggest, kasi pakiramdam ko ganoon din naman ang gagawin ko.

Huh? Din?

"Ano, parang secretary? Utusan? Yaya? Alipin?" there's this unusual humor behind his sarcastic tone.

"Grabe naman ang mga salitang iyon, nakakababa naman ng pagkatao iyon. Pwedeng assistant, ganoon." Ganoon ba ang tawag doon? Eh ginagawa ko rin naman iyon kina--

"Pinaganda mo pa, wala rin naman pinagkaiba iyon." he says impassively crossing his arms as he lean against the bulletin board. Ang liit naman ng tingin ng taong 'to sa akin.

"Grabe ka rin talaga eh, 'no?" wala talagang preno ang bunganga ng lalaking ito. Medyo nakaka-offend, pero parang wala naman talaga siyang pakialam kung paano nakakaapekto ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Masanay ka na Sarah.

"Eh ano ba ang masu-suggest mo? Paano ako makakabayad sa'yo? Kailangan ko bang magbayad in cash?"

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon