[ACT 15.5 | GRAY AREA]
NAPAHABA ang kwentuhan at review namin ni Sarah nang hindi ko namamalayan ang oras. Malapit na palang mag dapit-hapon. Hindi ako pwede gabihin ng uwi dahil mapapagalitan ako sa amin.
Kailangan ko na magpaalam kay Sarah, sa kapatid niya at sa mommy niya. Ngunit o hindi ko naman inaasahan na inihanda ni tita ang apat na plato para sa hapunan.
"Aalis ka na agad Chloe?" tanong ni tita sa akin na may halong pag-aalala.
"Opo eh. Hindi po kasi ako pwede gabihin ng uwi." nahihiyang paliwanag ko sa kanya at hindi naman niya tinago sa mukha niya na para bang inaasahan niya na masasaluhan ko sila sa hinanda niyang hapunan. "Pasensya na po Mrs. Madison."
"Anong- ikaw talagang bata ka, Tita Mary na lang." natatawang ani Tita Mary sa harapan ko na parang batang nahihiya sa akin, parehas sila ni Sarah na jolly masyado.
"Kung ganoon, ito oh." Inabutan niya ako ng sandwich at maliit na pack ng orange juice. "Kainin mo 'yan sa biyahe." this is not something I usually get from a stranger that I just met.
"Nalulungkot ako at hindi ka makakasabay sa amin maghapunan pero natutuwa naman ako dahil nakilala ko na rin sa wakas ang kinukwentong kaibigan ni Sarah sa school."
"Ma, naman." nahihiyang kontra ni Sarah sa tabi ni Tita.
"Totoo naman ang sinabi mo anak ah?" nakangiting tiningnan ako ni Tita. Bigla tuloy akong na-conscious, "Magandang babae si Chloe, mukha pang matalino. Maasahan at matulungin na kaibigan at higit sa lahat may kabutihang loob sa kapwa."
Nahihiyang nginitian ako ni Sarah, "Sorry at nakukwento kita kay Mommy, wala rin kasi akong matagong secret dito kay Mom eh."
Ang sweet naman nila.
"Para nga pong hindi kayo mag-ina eh. Ang cool po ng samahan ninyo." puri ko sa kanilang dalawa habang inaayos ko ang sarili ko.
Buti pa sila.
"May limitasyon pa rin naman kami nitong anak ko." taas kilay ni Tita Mary sa anak niya na para bang nagtutuksuhan sila sa harapan ko. "Syempre nandoon pa rin ang respeto namin sa isa't-isa." dagdag ni Tita, "Alam naman nila ang pwede at hindi pwede sa bahay. Tulong-tulong din kami lalo na sa chores, pero napaka-chaotic dito sa bahay kapag weekdays na."
"Ma naman-" parang batang nahihiya si Sarah sa harapan ko na gustong patigilin ang mommy niyang magkwento sa akin.
"Aba bakit ba?" muling tukso ni Tita Mary sa kanya. "Totoo namang inaasikaso ko pa kayo bago ako pumasok sa opisina ah?"
"Eh, opo tama naman kayo doon Ma." pagsang ayon ni Sarah na akala niya hanggang doon lang ang pabaong kwento ni Tita para sa akin.
"Alam mo ba Chloe, ako pa rin ang nagising diyan sa kaibigan mo para lang hindi siya mahuli sa school."
"Ma naman, kailangan pa ba ikwento 'yon kay Chloe?" Sarah puffed her face hiding her embarrassment.
Hindi ko mapigilang matawa sa closeness nilang mag-ina.
Buti pa sila... Ilang beses ko na bang sinabi iyon sa utak ko?
"Totoo naman ah? Minsan nga pati pinagkainan mo ako pa ang naghuhugas, ang tamad-tamad mo." sermon ni Tita sa anak niya.
"Opo na Ma." hindi na naitago ni Sarah ang pagiging awkward niya sa harapan ko. "Ihahatid ko na po si Chloe, mamaya kung ano pa ang makwento ninyo sa kanya. Bigyan niyo naman po ako ng konting hiya Mommy." tiningnan ako ni Sarah at nagpaalam saglit, "Kunin ko lang yung wallet ko. Wait lang ah?" tinanguhan ko siya bilang tugon at nakitang dali-dali siyang umakyat papunta sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
The Spectrum of LIFE
Teen Fiction[A TAGLISH SLICE OF LIFE NOVEL] 'L.I.F.E. is a mess, but it is a masterpiece.' The Naive Transfer Student. A Misunderstood Outcast. The Selfish Princess. A Blind Prince. The Cunning Singer. A Witty Dreamer. The Protective Sister. An Ace Player...