NINETEEN

207 77 142
                                    

[ACT 15 | NEW PERSPECTIVE]

KUNG DATI natutuwa at excited akong pumasok sa school, ngayon tamad na tamad na ako umattend ng klase.

Kung hindi ako late, absent naman ako.

Sayang ang points sa attendance, pero hindi rin naman sapat iyon para tumaas ang academic points ko.

Doon pa lang, talo na ako.

Nakakainis. Talong-talo ako.

Kung pwede lang pagpalitin ang weekdays sa weekends para naman tatlong beses lang ako papasok sa school tapos five days pahinga sa bahay.

Sana may ganoon sa ibang school para makalipat na.

Ayoko na sa school na ito.

Bakit ba ang malas ko sa kaibigan?

Ganoon ba akong kasamang tao?

Si Kenzo, ayon bumalik kami sa pagiging strangers. Makakasalubong ko man siya sa school pero hindi na kami nagpapansinan.

Si Chloe hindi niya ako gaano napapansin ngayon dahil mukhang masaya naman na siya dahil maayos na ata silang dalawa ni Laurenz.

Si Laurenz naman- sa totoo lang hindi alam kung kaibigan ko ba siya o naaawa lang siya sa akin tulad ng sinabi noon ni Chloe.

Pinilit ko lang talaga ang sarili ko na pumasok ngayon dahil periodical exam na rin namin. At least half day lang ako magtitiis na makasama yung mga taong ayaw naman sa akin.

Nauna na lang ako sa classroom at umupo sa pwesto ko. Kasunod na pumasok si Stephen na kinawayan ako. Nginitian ko lang din siya bilang tugon at tumungo na rin ako agad. Marami na rin ang estudyante ang pumasok sa classroom, naririnig ko lang sila pero hindi ko sila pinagmamasdan.

Pagpasok ng adviser namin pinaalalahanan niya kami na kada subject ay may nakalaan na dalawang oras para matapos namin ang exams. Kapag narinig na namin na tumunog na ang bell, tapos man namin masagutan ang lahat o hindi kailangan na naming ipasa ang mga papel sa harapan para kolektahin ito ng adviser namin.

Ang unang pinagpasapasahan namin ay ang answer sheet at sumunod naman ang questionnaires. Pagdating ng eksaktong oras ay pinayagan na kami ng adviser namin sagutan ang unang subject na naka-schedule para sa araw na ito.

Huminga ako ng malalim bago baliktarin ang papel ko at ang unang subject na sasagutin namin ay ang pinaka ayokong subject.

Math.

Una kong sinulat ang pangalan ko sa taas ng answer sheet, ang petsa ngayon at ang section ko.

Nang tiningnan ko ang tanong sa questionnaires, nakaramdam ako ng konting pagkatuwa dahil ilan sa mga tanong dito ay saktong inaral ko noon na kasama si Laurenz. Balak ko sanang nakawan siya ng tingin saglit ngunit hindi ko inaasahan na nakatingin siya sa pwesto ko na parang kanina pa niya akong pinagmamasdan na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Umayos din naman siya ng upo at iniwasan ako ulit.

Baka imagination ko lang 'yon.

Biglang naglaro sa alaala ko yung araw na dinamayan niya ako. Hindi ko rin masagot sa utak ko kung bakit iba ang epekto sa akin ng sandali na iyon na para bang naiintindihan niya ako kahit pa hindi ako magsalita.

Hindi ako siguro sanay na magmalasakit siya ng ganoon sa akin.

Hindi ko maalis ang mga mata ko kung saan siya nakapwesto, para siyang Math problem na hindi ko maintindihan. Halos tumalon ang puso ko nang balikan niya ako ng tingin at sa pagkakataon na ito, hindi niya na naitago ang pagkagulat.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon