Act 21.5 | Lava Cake

190 51 54
                                    

[THIRTY TWO]

A L E X

WALANG kupas talaga ang pagkasuplada ng babaeng iyon. Sa lahat ng pinormahan ko, sa kanya lang talaga ako nahirapan ng ganito. Biruin naman kasi, isang taon na ako nagpapa-cute sa kanya pero walang epekto. Bakit gano'n? Kapag sa ibang babae effective naman.

Kulang ba ang pogi points ko sa kanya? Hindi ko na lang maiwasan mapabuntong hininga talaga.

Pero for some reason, natutuwa ako kasi unlike last year masasabi ko naman na may nag-improve sa relationship namin ni Teppy kahit papaano.

Kahit konti lang, alam kong napapalapit na ako ulit sa kanya, tiyagaan lang talaga.

Paano ko nasabi?

Kasi nakakatagal na ang usapan namin ng lima hanggang sampung minuto, dati halos hindi niya ako pansinin.

Ang babaw lang kung titignan, pero improvement sa akin iyon.

Siya pa rin ang Teppy na nakilala ko noong bata ako.

Nakakainis lang talaga at hindi niya ako maalala. Bakit dahil ba sa hindi na ako mataba tulad ng dati o dahil sa nakaka-overwhelmed ang kagwapuhan ko para sa kanya?

Gustong gusto ko ipaalala sa kanya kung sino ako; na naging magkaibigan na kami minsan, pero dahil sa naapektuhan na ng image ko sa school: na si Alex Sevelleno ay isang tunay na MVP sa basketball man at sa babae, wala! Total turn off iyon sa taong gusto ko sana seryosohin ngayon.

Kung alam niya lang talaga.

Ako pa rin naman yung tabachingching niyang si Al-pudge.

Hindi ko talaga alam kung bakit '-pudge' ang prefix niya sa tuwing tinatawag niya ako noong mga bata pa kami.

Hindi ko na rin naman nagawang itanong iyon sa kanya, pero ayon sa research ko at kung ibabase ko sa word na pudgy ang ibig sabihin noon ay bilugan at mabigat.

Sa hitsura ko noon, oo, kulang na lang maging kamukha ko yung mascot ng Henlin.

Pero kasi gustuhin ko man magpakilala talaga kay Teppy, yung Alex dati ay tunay namang torpe, napakamahiyain at awkward makipagusap sa ibang tao.

Ewan ko ba mas confident kasi ang Alex ngayon, ngitian ko lang ang isang babae kulang na lang mangamatis ang mukha nila, minsan pa nga mas mabilis ko sila maakit sa simpleng bati ko lang sa kanila.

Sabihin na natin na ang napakahambog ko sa part na iyon, pero kung ikukumpara ako sa dati at ngayon, mas gugustuhin ko na lang kung sino ako ngayon.

At least kapansinpansin na ako ng madaming tao. Nirerespeto at higit sa lahat hindi na nila ako binubully dahil lang sa overweight ako.

Nakakapanliit kung titignan ko ang sarili ko dati. Hindi napapansin ang katalinuhan ko dahil mas kapansinpansin na ang laki-laki kong baboy noon.

Lagi pa ako nananakawan ng pagkain dati, kesyo hindi ko na daw kailangan pang kumain dahil mataba naman ako.

Kung hindi pagkain, kinukuhanan ako ng pera ng mga nangbubully sa akin dati.

Natigil lang iyon nang makilala ko minsan si Teppy malapit sa subdivision namin dati.

Akala ko pa dati lalaki siya dahil lagi siyang naka-cap. Tapos may bungi pa siya dati, inisip ko pa dati na kinuha ng tooth fairy ng sapilitan ang ngipin niya.

Bakit kasi ang tingin ko sa mga tooth fairy, mga magnanakaw ng ngipin, tapos susuhulan ka nila ng pera kapalit ng ngipin mo.

Ang weird lang, o sadyang weird lang ako mag-isip?

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon