[ACT 14 | HEY STRANGER]
AYOKO NA lang mag-expect sa kung anong mangyayari sa araw na ito kaya hindi na rin ako nag-effort pang gumising nang maaga.
Kung tutuusin wala naman talaga akong dahilan gumising ng maaga pero noong nakilala ko si Kenzo, para bang naimpluwensyahan niya akong kumilos ng maaga dahil ika nga niya, 'Ang taong gumigising ng maaga, sila rin ang mga taong unang makakatanggap ng biyaya.'
Hay. Bahala na lang muna ngayon.
Thirty minutes din akong nag munimuni bago ko makumbinsi ang sarili ko kumilos.
Anong oras na rin akong nakarating sa train station. Bumili na ako ng ticket at hinintay ang susunod na biyahe.
"Ano ba 'yan akala ko hindi ka papasok ngayon." napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
"Kenzo?"
Nandito na siya! Hinintay niya ba ako?
Ang dami-daming pumapasok sa isip ko ngayon pero hindi ko maayos ang mga salitang gagamitin ko.
Nakangiti siyang pinagmamasdan ako hanggang sa pati ang sikat ng araw ay nakisama sa presensya niya na dahilan para lumiwanag ang buong kapaligiran.
Ang bilis ng tibok ng puso ko, gusto ko siyang yakapin kasi sobra ko talaga siyang na-miss pero pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil baka mamaya ma-wirduhan siya sa akin.
Uminom siya ng softdrink at inabutan niya rin ako ng pandesal mula sa brown na paper bag.
"Nagutom ako sa kakahintay sa' yo." he playfully teased raising an eyebrow.
Kung hindi ko siya kilala baka maisip ko na nagrereklamo siyang pinaghintay ko siya, ngunit sa likod ng kunwaring naaasar niyang mukha ay ang maaliwalas na mukha na lagi kong hinahanap hanap tuwing umaga.
Sobrang ikinatutuwa ng puso ko na hinintay niya ako. Sarah, kalma lang.
"Anong meron at hinihintay mo ako?" kinuha ko ang pandesal mula sa kanya at kinain. Wow, mainit-init pa na parang bagong luto. Inabutan niya rin ako ng coffee in can. Kumpleto na ang almusal ko nito.
Kunot noo niyang hinarap ako, "Anong meron, eh hindi ba usapan na magkasabay tayo sa umaga pagpasok sa school, hindi ba?" natatawa niyang paalala sa akin.
Hindi ba niya narealize, ilang araw akong nag so-solo? Katampo.
Nang kumalma na ako muli ko siyang hinarap at tinanong, "So ang pandesal at kape, pang suhol sa ilang araw na nag solo ako bumiyahe papuntang school?"
Napakamot siya sa ulo, "Sorry na." matipid niyang ani na parang nahihiya sa harapan ko.
Mukhang tama nga ako. Sinusuhulan nga niya ako.
"Babayaran ko na lang yung pinang-almusal mo sa akin." ipapakita ko talaga sa kanya na nagtatampo talaga ako.
To think na siya ang nagsabi sa akin na kapag nangako siya sa isang tao, hinding hindi niya sisirain ang pangakong iyon. Pero sa akin, wala.
Napabuntong hininga na lang ako. Well sana man lang hindi ba, sana nagsabi siya. Hindi yung bigla niya akong iniwan sa ere.
"Katulad mo rin sila eh," halos pabulong kong ani na may konting pagkayamot.
"Alam kong nagtatampo ka Sarah, I'll give that to you. May rights kang magtampo." sagot niya sa akin, "Pero pwede bang pakinggan mo muna ako?"
Tinignan ko siya, "Eh ano ba kasi ang nangyari sa'yo?" bakas sa mukha niya na hinahanapan niya ng tamang salita ang mga nais niyang sabihin sa akin, ngunit halata sa mukha niya na para bang may iniiwasan din siyang sabihin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Spectrum of LIFE
Novela Juvenil[A TAGLISH SLICE OF LIFE NOVEL] 'L.I.F.E. is a mess, but it is a masterpiece.' The Naive Transfer Student. A Misunderstood Outcast. The Selfish Princess. A Blind Prince. The Cunning Singer. A Witty Dreamer. The Protective Sister. An Ace Player...