ELEVEN

235 98 200
                                    

[ACT 11 | A BASKET CASE]

GULONG-GULO pa rin ako sa mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang silang nangyayari sa buhay mo.

"Naiintindihan mo ba yung tinuturo ko sa'yo?" bakas ang pagkairita sa boses ni Laurenz.

Pang-ilang beses na kasi niyang itinuturo ang solution sa Math problem na ito pero sa totoo lang walang napasok sa utak ko.

Sumandal si Laurenz sa upuan niya at bumuntong hininga sa harapan ko na parang nagsasawa na siyang magsalita.

"Akala ko ba gusto mong makapasa?" dismayado at seryoso niyang paalala sa akin.

"Hindi naman nagbabago iyon." matipid kong sagot sa kanya.

Pero kasi, hindi ko naman din maamin sa kanya na distracted ako.

Unang-una sa lahat dapat nga masaya ako kasi nagkita kami ulit ni Max, tapos kami naman ni Kenzo, going strong din ang friendship namin nagulat na nga lang ako nang tinawagin niya akong 'Shin'yu' or bestfriend sa salitang Japanese. Sa totoo lang natutuwa ako dahil na rin sa ikli ng panahon na nakasama ko siya natumbasan pa niya ang friendship na meron kami ni Max at ni Martin.

Pero may dumating man na bago sa buhay ko, hindi ko pa rin naman makalimutan yung mga taong iniwan na lang ako sa ere tulad ni Chloe at Martin.

I tried to reach them in my own way, pero either busy sila or ayaw nila ako kausapin.

Si Chloe madalas naman niyang kasama sila Addy as usual.

Sinubukan ko namang magpa-miss sa kanila, pero parang hindi naman ako nag-eexist sa mata nila kaya in the end ako pa rin ang talo.

Si Martin naman, ewan ko doon. Hindi na niya kasi sinagot yung huling chat ko.

Ang unusual man, pero ganoon na lang ang nangyari sa friendship namin. Ayoko naman na mangulit, pero sana man lang sinagot niya kung bakit siya galit sa akin.

Walang usap-usap, iwas agad. Bakit naman ganoon?

Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ganoon sila.

"Ano ba ang problema mo?" inis na tanong sa akin ni Laurenz.

Nagulat ako sa katanungan niya dahil kahit na may inis sa boses niya, may konting sinseridad naman akong naramdaman lalo na at inoobserbahan niya pala ako.

Pero as if sabihin ko naman yung nasa isip ko, hindi ba? Eh hindi naman kami technically close.

"Sorry, distracted lang ako." at least iyon, kaya kong aminin sa kanya.

Sinubukan kong balikan yung reviewers ko.

Nagbuntong hininga siya ulit, "Tungkol ba ito kina Monique?"

Binalikan ko siya ng tingin dahil hindi ko inaasahan na tumama ang hula niya base sa mga gumugulo sa isipan ko ngayon.

Nakapangalumbaba at nakatingin na siya sa labas ngayon na parang ang lalim ng tumatakbo sa isipan niya.

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya na 'yon. Kahit pa kahit pa paano ay nandoon ang sincerity sa katanungan na iyon, hindi ko pa rin maiwasang maramdaman na may pumapagitna sa aming dalawa na hindi ko alam kung pader ba iyon o isang fortress.

"Pasensya ka na kung ganito ako." mapagkumbaba kong ani at muling bumalik ang mga mata niya sa gawi ko.

"Bakit ba lagi kang ganyan?" seryosong tanong niya nang nakakunot ang noo niya sa akin.

Ano ba ang pake niya?

Halata sa mga mata niya na para niya akong sinusuri na para bang may kakaiba sa akin.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon