Chapter 1

37 2 0
                                    

Sana,

Sana pagkatapos nito'y kaya ko pa ring buuin ang sarili ko.

Sana'y kaya ko pa ring pulutin lahat ng basag na parte nito.

Sana'y makabangon pa ako sa pagkakalugmok ko.

Pagka tapos nito.

Sana ako pa din kung sino ako. Sana.

Nawala ang mabigat na naka dagan sa akin.

Tapos na siya.

Tinitigan ko ang kanyang perpektong katawan habang papasok siya sa banyo. Ni hindi niya man lamang ako nilingon o kaya nama'y kinumusta kung ayos lamang ba ako.

Unti-unti akong gumalaw tsaka ko naramdaman ang kirot sa pagitan ng aking mga hita.

Kahit kailan, hindi na maibabalik kung ano ang nawala na.


Kahit kailan.


Tatlumpo't minuto ang nakalipas nang unti-unting nagbukas ang pintuan tsaka siya nito iniluwa.

"Hindi ka pa ba maliligo?" tila ba walang pakialam niyang tanong.

"M-mamaya na." saka ko hinila ang kumot at tinakip sa hubo kong katawan.

Sa hindi ko malamang dahila'y, tila ako giniginaw. Dahil ba ito sa kanya? Damang dama ko ang lamig na dulot niya.

Ito lamang ang gusto niya kaya siya pilit na nakikipag-usap sa iyo. Ito lang, wala nang iba. – mula sa kabilang bahagi ng aking isip.

Unti-unti akong tumayo at tinungo ang kanyang banyo.

Tumapat ako sa dutsa at pinakiramdaman ko ang init ng tubig.

Tila ba nararamdaman ko and init ng yakap at hawak niya nang kami pa lamang ay nagsisimula. Nag-aalab ang mga mata niya, tila ba ilang minuto'y mag liliyab na ito.

Apoy ng Pagnanasa.

Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nasa loob ng banyo. Damang dama ko ang pinaghalong sakit sa pagitan ng hita ko at kurot sa aking puso.

Hindi ba't ginusto mo rin naman ibigay sa kanya ito.

Sa kabilang banda ng isip ko'y tama ang ginawa ko.

Nagawa ko to kasi mahal ko siya. Sobra.

Tila ba nagtatalo ang magkabilang bahagi ng isip ko. Ngunit ano pa man ito'y wala na akong magagawa kundi tanggapin kung ano ang nangyari. At panghabang buhay na isipin ang resulta ng maling desisyon ko.

At iyon ay ang mahalin sya...... Ng sobra.

Nagbihis ako't bumalik sa kama kung saan nahihimbing siya.

Maya-maya'y masuyo siyang dumilat.

Sinipat ko ang wall clock na nakasabit malapit sa kanyang pinto.

"Happy Birthday." Bati ko sa kanya.

Ngumiti siya saka sumagot.

"Thanks." Napaka tipid niyang sagot.

Sabay kaming napalingon nang tumunog ang kanyang telepono. 

Mai calling............

"Ba't di mo sagutin?" tanong ko sa kanya.

"Wala yan. Yaan mo lang." tila ba bagot niyang tugon saka niya ako hinalikan.

Dahan dahan akong kinubabawan.

Ito nanaman siya.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata, at nagpatangay sa agos ng kanyang pagnanasa.

Darating ang araw...

Darating din iyong taong magmamahal sa akin. Alam ko. Darating din siya.........

....................................

"Roya." Tapik sa akin ni Chaya.

"Kanina pa ako dumadaldal dito. Hello! Earth to Roya!"

"Sorry." Tipid kong sagot.

"Ano ba kasing iniisip mo ha?" tsaka niya ako pinandilatan na kala mo'y sobrang laki ng kasalanan ko.

"Wala to." tsaka ko itinuon ang aking mga mata sa sketch pad na nasa harapan ko.

"Ano broken ka?" panunuya niya.

"Hindi no. Okay ako." tsaka ko na lamang itinuloy kung anong ginagawa ko.

"Alam mo bang nakakatakot mag punta sa isang Art gallery na puro gray at black nalang ang sabit sa ding ding." Para siyang nanay na nanenermon.

"Alam ko naman." Tipid akong ngumiti.

"Alam mo Tala Avia Roya, makakatusan kita isang araw eh." Siguro kung di ko nakilala si Chaya, sobrang tahimik ng mundo ko.

Itinuloy ko na lamang ang pag dodrawing ko.

Tahimik namang nag dutdot ng cellphone si Chaya.

"Yaan ba ang ibibigay mo?" tanong nanaman niya.

"Hindi." Tipid kong sagot.

"Buti naman." Nginitihan ko na lamang siya.

Alam ko naman kasi kung ano ang ibig niyang sabihin.

Tama naman ang sinasabi niya.

"Pupunta akong Galleria bukas." Sabi ko sa kanya.

"Sige, samahan na kita."

Mga ilang oras pa kaming tumambay sa Coffee Shop tsaka namin napagdesisyunang umuwi na dahil mag gagabi na rin.

Oo, pasapit nanaman ang gabi kasabay ng

..................................................................... pagdalaw ng mapapait na gunita.

Gunitang nais ko nang mawala.

GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon