Chapter 19

9 0 0
                                        


Hindi ako makapaniwalang repleksyon ko ang nakikita ko ngayon sa salamin.

"Madam, ang ganda ganda niyo po." Sabi ni Darcy habang kinukulot ang aking buhok.

"Kayong tatlong magkakaibigan Madam, ke gaganda niyo. Super." Sabi niya na sobrang excited.

Nginitian ko na lamang siya sa knayang sinabi.

Ngayon na ang araw na pinaka hihintay ni Margo. Iyong araw na ang tagal tagal niyang pinaghandaan.

Sino ba naman ang hindi ma-eexcite. Kahit sinong babae nama'y pinangarap ang ikasal sa taong pinakamamahal niya.

Masaya ako para kay Margo. Masaya ako dahil nahanap na niya iyong 'Man of her Dreams', at iyon ay walang iba kundi si Dustin. At syempre'y may bonus pa silang Baby na ika nga ni Margo ay 'on the way' na.

"Ganda mo Roya." Napangiti ako nang makita ko si Chaya na nakasandal sa likod ng pinto. Naka ayos na din siya. Suot niya ang isang Chiffon dress na off shouldered dress. Nakataas ang buhok niya at kitang kita ang collar bone niya.

Dahan dahan siyang lumapit sa salamin kung saan ako naka upo tsaka inayos ang buhok niya.

Dahil doon, kitang kita ko ang hindi pantay na kulay sa kanyang collar bone. Tila ba pilit tinakpan ng concealer ang kung anu mang nagkukulay lila roon.

"Okay lang kaya si Chaya? Ba't para siyang may pasa." hindi ko maiwasang magtanong sa aking sarili.

Nitong mga nakaraang araw din kasing hindi namin siya masyadong nakakasama ni Margo. Minsan naman kapag magkakasama kami'y tila hindi na siya iyong gaya ng dati. Parang may kulang sa ngiti niya. Parang may nag-iba sa kanya. Nagbago siya, sigurado ako doon.

"Pinuntahan mo na si Margo?" tanong ko sa kanya habang binubura niya ang lipstick niya. Tila ba may pasa rin sa gilid ng labi ni Chaya.

"Hindi pa. Sabay nalang tayong dalawa." Kinuha niya ang Red lipstick na nasa ibabaw ng mesa tsaka ipinahid sa kanyang labi.

Matagal ko nang kaibigan si Chaya at hindi siya kailan man nag suot ng red lipstick.

Alam kong may kakaiba talaga kay Chaya nitong mga nakaraang araw.

"Ayan, tapos na." nabaling ang tingin ko sa salamin nang magsalita si Darcy.

Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa harap ng salamin.

"Tara kay Margo?" tsaka ako tumingin a repleksyon ni Chaya.

Isang tango lang ang binigay niya saka ako tumayo, nagpasalamat kay Darcy at tinungo ang kwarto kung nasaan si Margo.

Nang makarating kami'y kumatok muna kami ng tatlong beses saka nila binuksan ang pinto.

Bumungad sa amin ang napakagandang bride.

"Napakaganda naman ng kaibigan namin." Sabi ni Chaya habang papalapit kami sa lugar kung saan siya inaayusan.

"Nakita niyo ba si Dustin?" may pag-aalalang tanong niya sa amin ni Chaya.

"Relax Margo. Sisiputin ka nun. Takot lang niya samin ni Chaya pag sinaktan ka nung lalaking yun." Saka ko siya nginitian.

"Ano pa bang hahanapin niya Margo, eh nasayo na ang lahat." Kibit balikat ni Chaya.

"Salamat sa inyong dalawa ha. Sa walang sawang moral support na ibinibigay niyo sa akin lalo na ngayo't sobrang naprepressure ako dito sa kasal at sangkatutak na mood swings ko ngayong buntis ako. hindi ko alam kung kakayanin ko kapag wala kayo." Halos tumulo na ang luha ni Margo.

GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon