Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito ngayon. And huling naaalala ko lang ay tinawagan ako ni Rain at pinapunta sa lugar na ito.
Halos thirty minutes na din akong nakaupo at naghihintay. Ang ganda ng langit tuwing gabi, nagkalat ang makikinang na bituin. Medyo nakakatakot nga lang dito sa lugar na ito dahil mangilan ilan lamang ang tao.
Muli kong sinipat ang aking orasan, ang kaninang thirty minutes lamang ay naging isang oras na.
"Darating pa kaya siya?" tanong ko sa aking sarili habang palingun lingon sa lugar na aking pinasukan kani-kanina lang.
Nakapatay din naman ang cellphone niya na kanina ko pa tinatawagan.
Isang malalim na buntong hininga saka ko dinampot ang aking body bag at aktong aalis na.
Ngunit sa paglingon ko sa bukana ng lugar.
Isang lalaking naka polo ng dark blue, slacks at loose necktie ang namataan ko.
"I'm sorry I'm late." Saka niya ako niyakap.
Yakap na kanina ko pa hinihintay at buong linggo kong hinahanap.
"I'm sorry Babe." Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. Tila ba ayaw na akong pakawalan.
"I can't breathe." Pa biro kong sabi na may halong mahinahong tawa.
Kumalas siya sa pagkakayakap saka niya inabot ang kanina niya pa hawak hawak.
Isang bigkis ng pulang rosas.
"Thanks." Natagpuan ko na lamang ang aking sariling sinasamyo ang mga rosas.
"Babe." Kapagkuwa'y pukaw niya sa akin.
"I've been thinking of this lately. I can't think of the perfect time to ask you this. But right here and right now."
He suddenly kneel down and pop something.
A tiny red velvet box that will make every ladies jump out of excitement.
"I know this is too lame. I know you are used to this scenarios since it's always like this in Romantic movies or whatever."
Pigil na pigil ako sa sarili kong sumigaw, tila ba ako kinakabahan. Nais ko siyang hilahin patayo at yakapin ng sobrang higpit.
"Babe. Will you spend the rest of your life with me?"
He slowly opened the velvet box just to reveal a two toned ring. It is simple yet it is so beautiful.
"Will you marry me?"
Biglang tumulo ang luha ko, ngunit hindi ako malungkot. Masaya ako, pero bakit ako lumuluha?
So this is what they called...... Tears of joy.
"Yes." Tsaka ko siya tinanguan ng tatlong beses.
"Yes I will marry you." inakay ko siya patayo sabay yakap ng mahigpit habang tuloy pa din ang pag agos ng mga luha mula sa aking mga mata.
Hinawakan niya ang kamay ko saka unti-unting isinuot ang sing sing sa aking daliri.
"I love you Rain."
And I kissed him, the most passionate kiss that I know.
..................
Kung paano ako nakauwi dito sa condo ko ay hindi ko alam. Paki wari ko na lamang ay lumulutang ako sa alapaap. Napaka saya ng nadarama ko ngayon. Sobrang saya.
![](https://img.wattpad.com/cover/231680847-288-k27022.jpg)
BINABASA MO ANG
Galleria
RomanceFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...