Ilang beses ko nang napasadahan ng tingin and buong hardin. Di ko mabilang kung ilang beses dumampi ang hangin sa aking pisngi. Napapaligiran ng mga rosas ang buong hardin at tila ba nagkakantahan ang mga ibon.
Nagising ako isang umaga'y narito na ako. Sa isang lugar na bago sa aking paningin ngunit tila ba malapit sa aking puso.
Isang lugar na ang tanging naririnig ay ang tawanan ng mga batang naglalaro at naghahabulan. Napakasaya nilang pagmasdan at pakinggan.
"Ate Roya." Isang maliit at malambing na tinig ang nagpalingon sa akin.
Unti unting lumapit ang isang batang babae saka umupo sa aking tabi.
"Ate Roya. Miss na miss ka namin." Hindi ko maintindihan ngunit tila may kirot akong naririnig sa kanya. Malungkot na boses na pilit tinatakpan at pinapalitan ng kasiyahan.
"Ate Roya." Bahagya niyang hinawakan ang aking kamay at sumandal sa aking balikat.
"Alam mo ba dati. Pinagtanggol mo ako sa lahat ng nanakit sa akin. Prinotektahan mo ako noong mga panahong akala ko'y nag-iisa na lamang ako." hindi ko maunawaan ngunit tila ba ako nasasaktan sa bawat paghikbi at pagluha niya.
"Lahat ginawa mo para maprotektahan ako pero wala akong nagawa noong mga panahong kailangan mo rin ng poprotekta sayo." Hindi ko maunawaan ngunit bigla na lamang bumagsak ang aking mga luha.
"Akala ko dati wala nang tatanggap sa akin. Duming dumi ako sa sarili ko ngunit dumating ka at niyakap ako. Nangako kang hindi mo ako pababayaan at tinupad mo ang pangako mo ate Roya."
"Ate. Balik ka na. Miss na miss na namin ang mga ngiti mo."
Inangat ko ang kanyang baba upang makita ang kanyang mukha. Kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha ay dinig ko ang bigat ng kanyang paghinga. Napakaamo ng kanyang mukha ngunit wala akong makita sa kanyang mga mata kundi mga luha. Luhang tila pinigil ng mahabang panahon.
Dahan dahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. Tila napaka pamilyar sa pakiramdam tuwing tinititigan ko siya. Tila nasilayan ko na ang ngiti niya ngunit bakit umiiyak siya.
Gusto kong maalala kung sino siya. Gusto kong malaman kung bakit siya umiiyak.
Unti-unting tumulo ang aking luha.
Wala akong maalala.
Hindi ko maintindihan ngunit bigla na lamang akong nakadama ng panginginig ng aking mga kamay at unti unting pagkirot ng aking ulo.
Mahigpit kong hinawakan ang aking buhok at dahan dahang hinila. Gusto kong maibsan ang sakit.
"Ahhh!" hindi ko alam kung anong gagawin para mawala ang sakit.
"Ate Roya!"
Tila may mga boses sa aking utak na paulit ulit bumubulong. Hindi ko sila maintindihan at makilala; palakas ng palakas ang bawat boses.
Naramdaman ko na lamang ang malambot na kutson sa aking likuran at banayad na pagkakahiga sa akin.
Ngunit hindi pa rin mawala ang bawat tinig na aking naririnig. Natatakot ako. Ayaw ko nito.
"Ate Roya." Saka sumilay ang isang napakatamis na ngiti.
"G—alathea." Sambit ko kasabay ng pag agos ng paunti-unting ala-ala.
"Nandito ako ate, dito lang ako." saka niya ako niyakap. Isang yakap na nagpakalma sa akin.
Oo, hindi umalis si Galathea sa tabi ko hanggang mag umaga. She hugged me so tight na akala mo ba'y aalis na lamang ako bigla.
She made me remember some parts of my past and some things that I don't know, however I feel like some details is still missing. Para bang may isang bagay akong gustong malaman ngunit hindi niya nabanggit.
"Are you not aware how beautiful you are?"
That voice in my head. Siya nanaman.
Bakit hindi ko maalala.
Sino siya?
BINABASA MO ANG
Galleria
RomansaFor Roya painting is an expression. Each of her paintings has different techniques and strokes but they always have the same color. A color that only depicts sadness, loneliness, and sorrow. How can a simple encounter on a bright sunny morning chang...